Make your own free website on Tripod.com
 

 

Catholic Bishops’ Conference of the Philippines

 

PAHAYAG PASTORAL UKOL SA PULITIKA NG PILIPINAS

May sinabi ang Papa Juan Pablo II ukol sa bagong bukal ng buhay Kristiyano na mangyayari sa ikatlong milenyo kung magiging bukas sa galaw ng Espiritu Santo tayong mga Kristiyano (TMA, blg. 18). Sa pagsasapantaha sa ika-2000 taong pagdiriwang sa kaarawan ng Panginoon – ang Dakilang Hubilya – nanawagan siya tungo sa pagbabalik-loob, sa pagpapanibago sa pamamagitan ng Ebanghelyo, para sa ating lahat. Pinapanalangin niya na ang masaganang biyaya ng Panginoon ang pupuno sa buong mundo, sa pagdating ng Dakilang Hubilya, at hinihingi niyang maghanda tayo para sa ating inaasahang pagbubuhos ng kanyang nakakaligtas na pagmamahal.

Upang tulungan tayo sa ating landas ng pagbabalik-loob at pagbabago, nagpasyang magpalabas sa bawat taon, mula sa taong ito,ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng isang espesyal at buong pahayag pastoral na tinatalakay ang isang bahagi ng buhay Pilipino na ayon sa pananaw ng CBCP ay nangangailangan ng pagbabago at pagpapanibagong-buhay ayon sa Ebanghelyo.

Ngayong taon, pinasya ng CBCP na tunghayan ang paraan kung paano natin isinasagawa ang pulitika sa ating bansa.

Mula pa noong 1945, nang nagsimulang maging isang Conference ang CBCP mismo, ukol sa mga isyung pulitikal ang humigit sa kalahati ng liham at pahayag pastoral nito (tingnan PL). Noong 1991, naglaan ng mahabang panahon at malaking puwang ang Ikalawang Konsilyo Plenaryo ng Pilipinas (PCP-II) sa huling dokumento nito tungkol sa pagtalakay sa papel ng Simbahan sa larangang pulitikal (tingnan PCP-II, tal. 330-353). Bakit naging isang kakaiba’t mabungang pagkilos ng Simbahan ang harapin ang paksa ng pulitika mula sa katapusan ng Ikalawang Pandaigdigang Digmaan at lalo na mula sa mga taon ng Batas Militar at ang pagpapanumbalik ng demokrasya noong 1986?

Mayroong isang mahalagang dahilan: ang Pulitika sa Pilipinas – isang naging masidhi para sa atin bilang mga tao ang pamamaraan ng pagsasabuhay nito. Ito marahil ang pinakamabigat na pagdurusa sa ating buhay bilang isang bansa at pinakamapanirang balakid sa ating pagkamit ng buong makataong paglago.

Bakit ganito ba ito?

Poor Kids 

A. Ang Larawang Pulitikal

Ang pulitika ay – o dapat naman talagang maging – isang sining ng pamamahala at paglilingkod-bayan. Ngunit nakakalungkot, sa Pilipinas, nauwi ito sa isang larangan na ipinapataw laban sa mas nakakaraming mahihina at maralita ang mga interes ng iilang makapangyarihan at mayayaman. Nakakaapekto ito sa pagpapatupad ng katarungan at pantay-pantay na pagpapatupad ng batas, na mas nakakiling bilang isang pinakamaliwanag na katotohanan sa panig ng mga may pulitikal na impluwensiya at koneksyon. Binabayaran ang mga utang pulitikal sa pamamagitan ng paglagay ng mga taong kanilang pinagkakautangan sa matataas na posisyon sa gobyerno ng mismong nahalal na mga opisyal, isang bulag na katapatan ang naitatala bilang isang pinakamahalagang batayan ng pagpili ng mga pampublikong opisyal – kahit na may kasarinlan ayon sa Saligang Batas ang mga ahensiyang pampamahalaan. Tigib ang ating pamahalaan ng mga taong may kapit sa mga maykapangyarihan, mga taong walang ginawa kundi kumuha ng kanilang mga sahod sa kalagitnaan at katapusan ng bawat buwan. Kaya nga maagang nawawalan ng gana at nanahimik na lang ang mga matapat sa mga karapat-dapat na magtalaga ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan, o kaya, umaalis na lang nang tuluyan. At lagi namang tinatakot , o kaya, kinain na lamang ng mismong sistema ang mga nagpasyang manatili kahit sa gitna ng pagkalito.

Inaabuso ang prinsipyong konstitusyunal na nagsasaad ng paghiwa-hiwalay at pagbaha-bahagi ng kapangyarihan at checks and balances mula sa tatlong bahagi ng pamahalaan upang lumikha ng isang pag-antala para sa kapakanang pulitikal; at, sa kabilang banda, isang madaling pagbibigay ng pagkakataon upang humingi ng kapalit na paglalamang. Samakatuwid, halimbawa, sa pagpapanatili nila sa kanilang posisyon o itaguyod ang kanilang kinabukasang pulitikal, nakikipagsabwatan ang mga nasa Executive Department sa Kongreso upang dagdagan ang badyet ng pamahalaan ng lahat ng uri ng pork barrels – ang Country Wide Development Funds, halimbawa, mga congressional insertions, ang mga espesyal na pondo sa mga panukalang batas para sa public works– mga badyet na nasa disposisyon ng mga pulitiko at mga pondong nasa ilalim ng pagpapasya ng Pangulo. Sa lahat ng ito, madaling gamitin para sa mga layuning pulitikal ang mga pondo o mga pasilidad ng mga espesyal o may kasarinlang mga organisasyon na mayroong di-mahigpit o walang public accountability – tulad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Philippine Charity Sweepstakes Organization (PCSO), ang Bases Conversion and Development Agency (BCDA) o mga kompanyang sequestered . Laging butas-butas ang sistema, ng puwang at pagkakataon para sa pangungurakot, ng impluwensiyang may hinihinging kapalit, at walang pakundangang paggamit ng pera ng bayan para sa may kinikilingang layunin o mga personal na interes.

Pagdating naman sa halalan, sistematikong sinisira ang prosesong elektoral ng isang patuloy na nagiging sopistikadong metodo na tinatagilid at ginagawang alanganin ang larangang pulitikal o pandaraya sa mga resulta upang gawing isang kapani-paniwala ang halalan bilang isang mahalagang paraan ng pagsasagawa ng pagbabago ng lipunan. Naipaplano nang maigi ang makinarya ng pandaraya sa pamamagitan muna ng paglalagay ng mga masugid na mga pinuno nila sa mga sensitibong ahensiya at posisyon na may kinalaman sa halalan, sa pag-aawdit ng pera ng bayan at sa pagpapatupad ang Batas Etika. Nagagawa ito sampu ng isang malawakang makinarya ng propaganda, kasama ang mga mediang hawak ng pamahalaan, na ang layunin ay upang sirain ang repustasyon ng mga taong tumutuligsa at mga oposisyong pulitikal. Ginagawa ito upang manipulahin ang pananaw ng publiko ukol sa pangkalahatang kalakaran ng pamamahala o upang itaguyod ang interes ng mga nasa kapangyarihan at ng kanilang mga alalay pulitikal.

Naging mapangutya nang sadya sa gobyerno, sa Kongreso at maging sa proseso ng paghahalal mismo ang mga tao, kaya madalas, hindi na nila makita ang kahalagahan at ugnayan ng kanilang mga boto sa kanilang buhay o kinabukasan at ibinebenta na lamang ito para sa panandaliang pampinansiyang kapakinabangan. Kaya, kahit na nananawagan ang Simbahan at ibang responsableng mga grupo sa mga mamamayan, sa tuwing may eleksiyon, upang maging mapagbantay na taga-usig sa mga gastusin ng gobyerno, marami pa rin ang nananatiling walang-pakialam o kaya’y [ang mga tinatawagang ito mismo] ang naghahangad na "maging kabahagi ng nabanggit na mga katiwalian." Maging kahit nga sa regular na paglalabas ng mga panuntunan para sa prinsipyadong pagpili ng mga kandidato, napakarami pa ring mga hindi karapat-dapat na tao, ang regular na naiboboto sa puwesto.

Isang dahilan kung bakit tayo naging ganito ngayon—isang bansang may napakalaking bilang ng mahihirap at walang kapangyarihang mamamayan—ay hinahayaan natin ang pulitika na mawalan ng halaga at manatili sa mababang antas-kalagayan nito ngayon. Hindi pa sumasaklaw sa lahat ng maari pang sabihin para dito ang lahat ng mga binanggit sa itaas ukol sa pulitika ng ating bansa. Kailangan pa nga nating tingnan ng mas malalim ang ating kultura sa pulitika, upang makagawa tayo ng positibong bunga sa gitna nito, sa tulong ng hinahangad nating panunumbalik at pagpapanibagong-buhay bilang paghahanda para sa Dakilang Hubilya.

Poverty

 

B. Ang Ating Kultura sa Pulitika

Magsimula tayo sa isang tipikal na konsepto ng pulitiko sa pampublikong opisina. At, kung matapat tayo sa ating mga sarili, kahit pinag-uusapan natin dito ang "isang tipikal na pulitiko," dapat nating tanungin nang makatwiran ang ating mga sarili kung maaaring kahawig rin ng sa atin ang mga ideya at pagpapahalaga, mga motibo at gawain, na ating iniuugnay sa kanya.

Nangangahulugang para sa kapakanan ng malawak na lipunang sibil ang ating Konstitusyon na inilalarawan ang pampublikong katungkulan bilang tiwala ng sambayanan. Ngunit marami sa mga pulitiko ang naghahangad nito bilang paraan sa pagpapayaman at mapagkukunan ng impluwensiya at kapangyarihan para sa sarili at pampamilyang interes. Kaya nga madaling maipalagay ito at talagang itinuturing bilang gaya ng pribadong pag-aari na ipinapasa mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod pa, na sing-paraan ng pyudal na karapatan—isang pagpapatuloy ng kapangyarihan na nagmumula sa tinatawag na "mga dinastiya ng pamilya." Sa ganitong sitwasyon hindi napaghihiwalay ang pagkakaiba ng pondong pampubliko at pribadong salapi.

Anong ipinapakita ng ganitong malungkot na takbo ng kalagayan ng pulitika, na pagbagsak hanggang sa kasamaan, kung magiging makatotohanan lamang tayo, kaysa ang pagbabago nito patungo sa kabutihan ng isang tao na interesado sa propesyon ng pulitika? Anong klaseng sistemang pampulitika ang nalikha natin kung saan ang pinagmumulan ng kapangyarihan at pagkaganid, hindi ang matayog na prinsipyo ng mapagsakripisyong pagsisilbi, ang mga sadyang madalas na namamayaning kalakarang-gawi ng mga pampublikong opisyal? Para sa ilang mga kasagutan, makakatulong ang pagbubulatlat natin ng may pagkamatiyaga sa isang aspeto ng ating pulitika: ang proseso ng halalan. Pinipili natin ang tumuon dito dahil sa katotohanang matingkad na nalalantad sa kanilang pinakamasamang hugis sa kapanahunan ng eleksiyon ang pinaka-grabeng pagkukulang ng ating pampulitikang sistema at kultura .


Bago-Maghalalan. Sa panahon ng kampanyahan, ang mapili ang sarili bilang kandidato ng isang partido ang unang binibigyan ng pansin. Maaga pa, pinapayuhan ang sinumang kandidato na naghahangad ng suporta mula sa mga "kingmakers" na dapat siyang matutong lumaro sa "katotohanan ng pulitika" at dapat niyang gawin ito sa pamamagitan ng pag-ayon sa tradisyunal na paraang palitan ng pamumulitika, ng pangakong pagtangkilik sa mga tagasuporta ng pinansiya, ng pagbili sa katapatan ng mga lokal na lider. Sa madaliang panahon, siya’y magiging sanay sa mga gawaing makasariling oportunismo at siya’y maghahanap ng partido na makakatulong sa kanya sa pagsasakatuparan ng kanyang ambisyon nang walang kasangkot na pagpapahalaga sa ideolohiya at plataporma. Kaya pangkaraniwan na, ang makakita o makarinig ng mga di-nasiyahang kandidato na lumilipat ng kinakampihang partido, o kaya’y nagtatayo ng kani-kanilang mga sariling partido. Walang kahirap-hirap kahit anupaman para sa isang naghahangad ng puwesto ang manumpa sa isang partido matapos sa isa, walang tunay na kasiraang-puri na ikinakabit sa pagbaliktad ng kinaaanibang partido o "turn-coatism."

Sinisigurado ng mga naghahangad na maging kandidato ang magkaroon sila ng maraming pakikipagharap sa publiko. Upang magawa ito pinararami nila ang mga kakilala sa media at lumalapit sa mga nagpapasuhol na mga mamamahayag upang matiyak na lumabas sila sa balita. Sa panahong ito, nagkakaroon na sila ng malaking gastos bukod pa sa napaparami nila ang kabulukan sa media. Sa kabilang banda, ginagamit naman ng mga nasa gobyerno na nahawaan na rin ng sakit ng eleksiyon ang pampublikong pondo para tustusan ang "serbisyo-publikong" mga mensahe o pang-institusyong paalala na magsisigaw at magpapasikat sa kanilang mga proyekto. Sa tulong ng pasilidad ng gobyerno, pera ng publiko at ng burukrasya mismo, nagagawa nilang makakuha ng armas para sa kampanyahan sa eleksiyon sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga "lakbay-bisita" (o inspection trips) sa pinaka-malalayong lugar—na may mamamahayag o taong-media na hila-hila. Magtataka na lamang ang sinuman, sa malalang pagkaubos ng moral ng mga kandidato na naghihirap sa ganitong kalagayan ng kanilang propesyon.

Sa pagsapit ng kumbensyon "nilalasing, binubusog, at binibigyan ng babae" , ang mga delegado — masagwa subalit pinaka-angkop na ekspresyon ng mga nangungutya—upang makuha ang kanilang mga boto. Dito sa kumbensiyong ito pa lamang, nagiging malaki na ang gastos sa halalan. Kung malayang gumagastos ang mga kandidato ng sobra-sobrang halaga ng salapi sa panahon ng pangangampanya, nalalaman ng lahat na ginagawa nila ito sa kasiguruhan na mababawi nila ang bawat sentimong ginastos at mahigit pa sa kanilang pag-upo sa puwesto; at kung sa pagkakataong magagawa nila sa pamamagitan ng mapanlinlang na paraan upang sila mismo ang maging "kingpins" sa kanilang sariling karapatan, sila ang lalong mabibiyayaan pa ng mga kandidatong pambansa na kailangan ang suporta ng kanilang makinarya sa pulitika.

Nalilikha sa panahon ng pangangampanya ang larawan ng Pilipinas bilang isang sirko ng kabaliwan, isang malawak na plasa ng pang-aaliw. Gagawin ng mga kandidato sa yugtong ito ang anumang hilingin ng kanilang manonood—na sadyang malaking kasalungatan sa kanilang pagiging bingi sa mga hinaing para sa atensiyon ng mga taong ito rin kung nasa puwesto na sila. Magsasayaw sila, magkokomikero, aaksiyon, kakanta, gagamit ng mga salitang kalye—lahat ng bagay para maibenta ang kanilang mga sarili at matandaan ang kanilang pangalan (name-recall). Sa madaling salita, gagawin nila ang lahat maliban sa pagmumulat ng mga botante sa mga panlipunang isyu. Umuupa sila ng mamahaling ahensiya sa pag-aanunsiyo para sinupin ang kanilang kaanyuan, na madalas nang walang pagsasaalang-alang sa katotohanan, at para gumawa ng masasarap sa pandinig at isahang-linyang papatok sa mga pagtitipong pulitikal at mga mabilisang panayam sa radyo at telebisyon. Nagsisilbi lamang ang lahat nang ito sa pagpapalala ng ating maka-personalidad na oryentasyong klase ng pulitika.

Sinasamantala ng mga mamamayan ang panahon ng pangangampanya upang humingi ng donasyon sa bawat maiisip na "proyekto" mula sa mga kandidato na napupuwersa dahil sa masakit ang mabawasan ng boto. Ang bagay na ito naman ang pumupuwersa sa mga kandidato upang humingi o tumanggap ng kontribusyon mula sa may pansariling interes na umaasa ng kapalit pagkatapos ng eleksiyon. Ganoon din ang nangyayari sa partidong nasa kapangyarihan: Ginagamit nito nang may kamalian ang pondo ng gobyerno at ang iba pang yaman para sa pangangampanyang mga layunin. Kung magkaroon ng banta sa prosekusyon yaong mga kasangkot, natatakpan nila ang imbestigasyon sa tulong ng kanilang mga bata-bata na naunang nailagay nila sa estratehikong mga ahensiya, na umaabot kahit sa anyong pagsasabatas ng mga kasusugan para lamang maalis sa antas ng pagiging kriminal ang kanilang paglabag.

"Maruming panlalansi, maitim na propaganda, tapunan ng putik"—lahat ng bagay na makapagpapahina o makakasira sa kalaban—malayang ginagamit ang mga ito. Sa maikli, sinususpende ang mga batas sa ordinaryong moralidad tuwing panahon ng pangangampanya para sa kapakanan ng mga naghahangad sa puwesto at ng kanilang mga tagasuporta.

violent election

Sa Araw ng Halalan. Ang manalo kahit sa anupamang halaga at pamamaraan—ito ang siyang pinakamahalagang prinsipyo na gumagabay sa mga kandidato at mga partido sa kanilang paglahok sa halalan. Naisasagawa ito sa mismong araw ng eleksiyon sa pamamagitan ng pamimili-ng-boto, paggamit ng mga "flying-voters," pananakot sa mga botanteng panig sa kalaban, karahasan, o kahit pagpatay. At para mabago ang kalalabasan ng mga boto sa kapakinabangan ng isang panig, sinusuhulan ang mga opisyales sa halalan, sinasadyang maling pagbibilang sa mga boto, pagbabago sa mga nakasulat sa balota o mga resulta ng eleksiyon. Talagang napakarami at pinatutupad nang puspusan ang kailangang kahenyuhan at imahinasyon para sa pandaraya —maaring isipin na lamang ng isang tao na ginagamit sila para sa higit na dakilang mga layunin kaysa sa pagkamit ng hindi karapat-dapat na pagwawagi ng mga hindi karapat-dapat na mga kandidato.

Kahit na medyo bumaba nga ang karahasan sa araw ng eleksiyon, marami pa ring mga lugar kung saan tinatakot na dadahasin ang mga botante, kung saan sinasadyang hindi makarating sa mga presinto ang listahan ng mga botante at kahit ang mga kagamitan sa pagboto. Maging sa mga lugar na tipong matahimik ang halalan, kadalasang may malakas na nakatagong mga tensiyon. May kakaibang hindi lantaran ang magaganap kung lumalaganap ang pagdamang hindi masugid na binantayan ng mga tao ang mga kandidato at ang kanilang mga tagasunod—at ang mga mismong opisyal sa eleksiyon. Kaya nagiging kailangan ang pagbabantay ng mga grupong-mamamayan sa mga kaganapan sa araw ng eleksiyon, kahit sa mga panahong sobrang mapanganib.

Maliban sa antas ng barangay, hindi na bago ang resulta ng eleksiyon—kahit sa lokal na labanan—na hindi kaagad malalaman pagkatapos ng araw ng eleksiyon. Isang malinaw na kasamaan sa ating prosesong pang-halalan ang mabagal na pagtatala ng kumpletong resulta nito. Nagpapatuloy pa rin itong hindi tumatanggap ng mga pagwawastong hakbangin.

Shanty

Pagkatapos ng Halalan. Pagkalito ang namamayaning kalagayan sa loob ng maraming komunidad. At ito’y dahil inaabot nang napakatagal na panahon ang pagtapos sa pagkakambas ng mga resulta ng eleksiyon at ang proklamasyon ng mga nanalo. May inirereklamong "kamalian ang bawat natatalo ," idinedeklara ang sarili na dinaya, at hindi tinatangap ang resulta ng eleksiyon. Nagpapasarap lamang ang COMELEC sa sarili nitong oras sa pagpapasiya sa mga protesta sa eleksiyon kaya kapag nailabas na ang paunang desisyon, at maitama na ang anomalya ng pandaraya, halos hindi na makaupo sa puwesto yaong mga idinideklarang nanalo sa huli bago pa man sumapit ang susunod na eleksiyon.

Kalamnan ng mga kasamaan sa ating pamamaraan ng pagpapatakbo ng pulitika ang mga sumusunod na sinimulan nating idetalye sa mga unang bahagi ng sulating ito. Kaya ginagamit ng mga nanalo sa eleksiyon, kapag nasa puwesto na sila, ang kanilang opisina para kumamkam at mapalawak pa ang kanilang kapangyarihan. Ang pagbabayad ng pampulitikang pagkakautang, pagbawi ng mga ginastos sa eleksiyon, pagkakaroon ng malalaking kita para sa kanilang mga sarili-- hindi magagawa ang mga ito nang hindi nangangailangan ng lahat ng klase ng katiwalian. Dumarami at lumalawak nang malabisan ang "kick-backs" (na umaabot minsan sa 40% ng kabuuang halaga ng isang proyekto), minaniobrang "tawaran sa kontrata" para sa mga konstruksyong pampubliko, pagpapalaki ng mga gastusin at mga peyrol, nepotismo, di-wastong paggamit ng pondong pork barrel, pagbebenta ng impluwensya--lahat ng klase ng iba pang di kapani-paniwalang katiwalian na kadalasang hindi nahuhuli at hindi napaparusahan

Ipinahayag natin sa itaas nito ang kabuuang proseso ng eleksyon na nagaganap nang may kagayakan ng isang sirkuhan ng malawakang pang-aaliw ng publiko. Ngunit kahit nagpapasilaw at kumikiliti ito, nagsisimula nang lumikha ng kalunos-lunos na bunga na dahilan upang maging isa sa mga may pinakamasamang kalagayan sa daigdig ang ating bansa tungkol sa taliwas na distribusyon ng kita at isa sa pinakamatiwali-- sa kasawiang-palad, malapit na magkaugnay ang dalawang mga katotohanang ito tulad ng araw sa gabi.

Tayo ang pinakagrabeng bahagi ng masamang larawang tinitingnan natin. Kahit mapang-uyam, tila tinatanggap ang mga ito ng mga mamamayan bilang di-maiiwasan at ordinaryong kapamaraanan ng kalakaran ng nahalal na mga opisyal. At kailangan nating itanong ang naitanong na sa itaas, na kung hindi lamang dahil nagkakataon ang ipinapaliwanag nating tipikal na kaisipan ng mga pulitiko -sa malalim na pag-uugat-- nasa atin rin naman kung gayon ang mga kaisipang ito.

Muli nating banggitin ang naipakita na nating kinalalagyan ng ating pananampalataya sa ating kulturang pampulitika: sistematikong inaalis ito. Ang mga pangunahing pagpapahalaga sa ating pananampalataya--pagbibigay, katarungan, katapatan, katotohanan-- maliit lamang o walang saysay ang mga ito kung pag-uusapan ang ating pagsasakatuparan ng pulitika sa loob man o labas sa panahon ng eleksyon. Totoo, ginagamit nga ang relihiyon: Nagbibigay ang mga kandidato ng mapagpasikat na mga imbitasyon sa mga taong-Simbahan; hindi kumpleto ang mga kumbensiyong pampulitika at ilang mga opisyal na pagtitipon kung walang pormal na panimulang panalangin. Subalit mga pagkakataon ang mga ito upang gamitin ang relihiyon sa mga pampulitikang layunin kaysa ang relihiyon ang maka-impluwensya sa pulitika.

Subalit bakit ganito ang nagaganap sa isang bansa kung saan ang pinakamalaking mayorya ng mga mamamayan ay Katoliko at Kristiyano? Gumanap ng pinakasusing tungkulin sa mga pangunahing pangyayari sa ating kasaysayan ang pananampalataya natin sa Diyos --kahit sa talagang sadyang mapagkiling na pulitikang usapin tulad ng "People Power Revolution" sa EDSA. Ngunit sadyang nakakagulat sa kabuuan ang pulitika. Hindi tinatalaban ng Ebanghelyo ang malaking bahagi nito. Tinatanggihan ng ating kulturang pampulitika, na nagpapahiya sa atin, ang ating ipinagmamalaking pag-angkin sa katawagang Kristiyano.

 NAMFREL 

K. Ang Tanda ng Pag-Asa.

Sa kabila ng hindi-mapagpuring paglalarawan at hindi maipagkakailang napaka-maitim ng mga sinusundang mga pahayag ng dominanteng katangian ng ating pulitika, mayroon pa ring maliliwanag na mga sandali sa ating buhay-pulitika na nagbibigay sa atin ng dahilan upang umasa--at motibasyon upang lalong higit na magsikap nang nagkakaisa--para sa pagpapanibago ng ating buhay bilang mga Kristiyano at mga Pilipino tungo sa paglikha ng isang bagong kalagayan ng pulitika.

 

Tumingin tayo sa ating kasaysayan at pansinin nating mas madalas na inaalis kaysa pinananatili ng ating mga botante ang mga kandidato ng administrasyon, at nirerespeto ang kanilang pagpapasya ng mga natatalong mga kandidato. Nakita natin noong halalang 1978 sa panahon ng Batas Militar kung paanong nagtaya sa pagsasalita sa pamamagitan ng pag-iingay laban sa kalabisan at pang-aabuso ng rehimen ang sambayan. Noong 1984 at 1986, napakaraming mga boluntaryong grupo ng mamamayan, na hindi pinansin ang kapahamakan ng kanilang mga sarili, ang buong katapangang nagbantay sa balota laban sa tila napakatikas na makinarya ng gobyernong nakalaan sa paghadlang sa kagustuhan ng sambayanan. Sa EDSA, sa naisakasaysayang People Power Revolution, mga ordinaryong mga mamamayan ang matagumpay na tumapos sa pagkakapuwesto ng diktaduryang rehimen at nagpanumbalik sa nawalang demokratikong kalayaan, sa pamamagitan ng hindi-marahas na pag-aalsa na nagbigay ng epekto sa buong mundo, sa mga mamamayang naghahangad rin na tapusin ang mapang-api nilang kalagayan.

Naranasan natin ang mapayapang paglilipat ng kapangyarihan noong 1992, ang una sa loob ng 27 taon, dahil sa halimbawa ng isang presidente na pinili ang maayos na pagbaba sa puwesto at dahil sa wala pang sinusundang kooperasyon sa isinagawang eleksiyon sa pagitan ng pinalakas na COMELEC at mga sugong-hirang nito sa isang banda, at sa kabila naman, ng mga mamamayan tulad ng NGO’s (Non-Government Organizations) at PO’s (people’s organizations), grupong simbahan at ang media.

Nasaksihan natin, sa masamang bunga ng halalang 1995 at mga alegasyon ng dagdag-bawas, ang mga kasapi ng Board of Canvassers sa isang probinsiya (Bataan) na nagpatunay sa publiko sa pamamagitan ng mga "sinumpaang pahayag" ukol sa ginawang pandaraya ng mga opisyal ng halalan. Nakita rin natin ang halimbawa ng (a) isang mababang burukratiko sa Kagawaran ng Kalusugan na nagbunyag ng katiwalian ng isang "hirang" sa Kabinete at tumulong sa paglalagay ng puwersa sa Presidente upang mabawi nang tuluyan ang kanyang nominasyon; (b) mataas na opisyal ng COMELEC na isinapalarang gantihan ng iba dahil sa pagbubunyag sa publiko ng mga pagkadi-mabisa at katiwalian sa kanilang mga opisina; (k) ng mga opisyal sa pamahalaan na responsableng nagtaguyod ng kanilang mga tungkulin sa pamamagitan ng pagtawag-pansin sa pagkasira ng kalikasan; at (d) isang Komisyoner ng presidente na matapang na sumalungat sa galit ng Kongreso sa pamamagitan ng paglalabas ng mga impormasyon para sa kaalaman ng publiko ukol sa kanilang pagsusuri kung paano nasasayang at naibubulsa ng mga halal na opisyal ang pera ng sambayanan.

Nagbibigay rin sa atin ng banaag ang ilang pangyayari sa botohan sa mga katatapos lamang na halalan ng kung ano ang posible: nagsisimula nang bumoto ang mga mamamayan nang may katalinuhan at hindi na nila pinapayagan ang kanilang mga sarili na manghina kahit na hindi pala ganuon ang kanilang inaasahang mga karapat-dapat; pinipili na ng mga botante ang mga hindi-mapulitika kaysa ang mga tradisyunal, naghahalal ng mga mas bata at masasabing mas ideyalistik na kandidato kaysa sa mga walang pera; o kaya’y kumiling sa mga kandidato na kilalang mapagkakatiwalaan at may magandang mga nagawa kaysa doon sa mga sinusuportahan ng mga may-hawak ng kapangyarihan. Maraming mga bago at mga batang mukha ang pumapasok sa pulitika sa baranggay at lokal na antas at nagwawagi naman laban sa mayayamang kasapi ng mga pampulitikang pangkat na kung saan minsang naging walang-saysay ang kanilang malaking ginastos sa eleksiyon.

Hindi natin matatawaran o maisasawalang-bahala ang mga ito at mga iba pang positibong pangyayari sa buhay-pampulitika ng bansa, maging kakaunti man ang mga ito at malayo kung tutuusin sa larawan ng napakaraming negatibong mga katotohanang nakita natin sa itaas. Ito ang siyang mas pinakadahilan kung gayon kung bakit dapat nating hanapin ang mga kayamanang ito at panghawakan upang maging halimbawa na dapat gayahin at palaganapin nang patuloy, kung bakit dapat tayong makilahok nang buong-buo laban sa mga puwersa na humahadlang sa daan ng reporma at sistematikong pagbabago. kung bakit natin dapat hikayatin at suportahan ang bawat isa sa kung ano ang marapat na pagkaisahan at sama-samang kilusan upang makabuo ng isang mas hindi mapagpasakit o mas makataong kalakarang pampulitika.

 

 

D. Panawagan ng Diyos sa Misyon sa Pulitika

Hindi mapapayagan ng sinumang seryosong naniniwala sa Diyos na nagpapatuloy ang kalagayan ng ating pambansang pulitika na binabanggit natin sa itaas. At sa katotohanan, mayroong tungkulin ang Kristiyanong Katoliko para sa pagpapanibagong-anyo ng pulitika ayon sa Ebanghelyo. Dapat mangaral o baguhin ng Simbahan, ng sambayanan ng Diyos, ang pulitika,. Panawagan ng Diyos sa Simbahan ang mangaral ng integral na Ebanghelyo, ang Ebanghelyong sa lahat ng panlipunang dimensiyon nito. Dapat na makaimpluwensiya ang Ebanghelyo sa bawat yugto ng buhay, sa bawat bahagi ng lipunan, at upang "maibalik ang lahat ng bagay sa kay Hesus" (Eph. 1:10).

Faith that does justice!Nakakagulat na hindi lamang kakaunti ang mga tao, kahit sa loob ng Simbahan, na hindi naniniwalang bahagi ng misyon ng Simbahan ang pagpapanibago sa pulitika. Kung pumupuri sa mga polisiya ng gobyerno ang mga opisyal ng Simbahan, mainit na tinatanggap ng mga opisyal ng gobyeno ang nasabing pagsuporta at lumiligaya ang mga ito. Ngunit kung pumupuna at tumutuligsa sa polisiya ng gobyerno ang opisyal ng Simbahan, ang nasabing mga tao ang madaliang nagrereklamo: "Paglabag sa paghihiwalay ng Simbahan at Estado! Pakikialam ng Simbahan sa Pulitika! Hayaang manatili ang Simbahan sa relihiyon!" Ginagamit nila ang mga salita ni Kristo: Ibigay mo kay Ceasar ang mga bagay na para kay Ceasar, at sa Diyos ang mga bagay na para sa Diyos" (Mateo 22:21). Sinasabi nila na hindi dapat makilahok sa pulitika ang Simbahan sapagkat sinabi ni Kristo kay Pilato: "Wala sa daigdig na ito ang Aking kaharian!" (Juan 18:36). Kaya nga kongklusyon nilang hindi dapat magsalita ng anuman ang Simbahan ukol sa pulitika o mga pulitiko.

Talagang napakamali ng kanilang interpretasyon sa mga Kasulatan at sa doktrina ng paghihiwalay ng Simbahan at Estado! Nang sadyang hindi-makatarungan, pinipili nilang paratangan ng pakikisangkot sa pulitika ang Simbahang Katoliko, kahit tahasang nakikialam rin sa proseso ng pulitika ang ibang mga sekta tuwing eleksiyon.

 

 

E. Ang Batayan ng Misyon ng Simbahan sa Pulitika

May Relihiyoso at Moral na Bahagi ang Pulitika. Magsisimula tayo sa pangkalahatang prinsipyong ito. Dapat na nalalaman ng bawat mulat na katoliko ang simpleng bagay na ito na hindi mababaliktad na katotohanan: May kinalaman sa mga relihiyoso at moral na bahagi ng buhay ang ating pananampalatayang Katoliko. May relihiyoso at moral na bahagi ang bawat gawain ng tao na nagmumula sa normal na proseso ng pag-iisip at kapasyahan, sapagkat maaaring magdala ito sa kabiyayaan o sa kasalanan. O, tulad ng binabanggit natin sa simula, maaaring makasakit ito o makapagbigay ng benepisyo sa ibang tao, maaaring hubugin o wasakin sila. Bilang isang gawaing pantao, may relihiyoso at moral na dimensyon ang pulitika na hindi basta maitatatwa ng ating pananampalatayang Katoliko.

Mayroong limang pangunahing basehan ukol sa misyon ng Simbahan na nagpapaliwanag ng nabanggit sa itaas na pangkalahatang prinsipyo:

 

1. Tinatawag ng Ebanghelyo at ng Kaharian ng Diyos ang Simbahan para Makisangkot sa Pulitika. Nagkakaisang tumatanggap ang mga Kristiyanong iskolar ng Kasulatan sa katotohanang ang proklamasyon ni Hesus ng Kaharian ng Diyos, ang paghahari ng Diyos, ang nasa sentro ng naging misyon niya. Nagpoproklama ang pinakaunang mga salita ni Hesus sa Ebanghelyo ni San Marcos: "Narito na ang Kaharian ng Diyos! Magsisi at maniwala sa Ebanghelyo!" (Markos 1:15). Nangangailangan ang pagharap sa reyalidad ng Kaharian ng pagpapanibagong buhay alinsunod sa aral ng Ebanghelyo. Hindi lamang tayo dapat manalangin, "dumating ang Kaharian Mo" (Mateo 6:10). Dapat rin tayong kumilos upang tulungang makamit ito: sa pamamagitan ng pagpapanibago ng ating buhay, ng pagtatanggol at pagpapalaganap ng pagpapahalagang maka-Kaharian, laluna ang katarungan, kapayapaan, katotohanan at pag-ibig, kalayaan, awa at pakikipagkasundo. Upang maipalaganap ang mga pagpapahalaga para sa paghahari ng Diyos ay upang gawin ang kagustuhan ng Diyos. At dapat gawin ang kagustuhan ng Diyos sa lahat ng bahagi ng mga gawain ng tao, laluna sa ating panlipunang konteksto, sa anggulong pulitika kung saan nakikita natin na talagang wala ang pagpapahalaga ng Kaharian. Nang sinabi ni Hesus, "Iproklama ang Ebanghelyo sa lahat ng nilalang" (Markos 16:15), hindi kailanman niya kagustuhan na huwag isama ang pulitika. Kailangan nating iproklama ang Ebanghelyo sa larangan ng pulitika. Kailangan nating mangaral at baguhin ito. Tumatalikod ang Simbahan sa kanyang misyon kung hindi niya magawang kulayan ang pulitika ng liwanag ng Ebanghelyo at ng Paghahari ng Diyos.

 

2. Sa Misyon ng Simbahan sa Integral na Kaligtasan ay kasama ang Bahaging Pansamantala. Hindi maitatanggi, ang kaligtasan ang misyon ng Simbahan. Sa kasamaang-palad, yaon lamang pumapatungkol sa kaluluwa ang pag-unawa ng maraming tao sa kaligtasan. Pinagtatakahan nila kung gayon kung ano ang kaugnayan ng resureksiyon ng katawan sa kaligtasan. Muli, hindi lamang pumapatungkol ang kaligtasan sa kaluluwa kundi sa kabuuang reyalidad ng persona ng tao, kaluluwa at katawan, ispiritwal at materyal, walang-hanggan at pansamantala. Kaya nga hindi lamang nagpatawad si Hesus ng mga kasalanan, pinalaya rin niya ang mga tao sa kanilang pisikal na mga karamdaman. Isang basehan rin ito ng paniniwala sa resureksiyon ng mga patay. Hindi lamang tungkol sa pagkatapos-ng-buhay ang kaligtasan kung ganoon kundi para din sa pagpapalaya sa buhay na ito, kahit na inisyal lamang at hindi pa buong-buo. Kaya nasabi nga ni Hesus kay Zaccheus: "Ngayon, narito na ang kaligtasan sa tahanang ito" (Lukas 19:9). Dahil sa mga kadahilanang ito kaya’t ang Simbahan ay laging ipinangangaral ang idineklara ng Vatican II: "Nagsasangkot sa pagpapanibago ng kabuuang "pansamantalang" kalakaran ang mapagtubos na gawa ni Kristo, habang lumalandas mismo ito tungo sa kaligtasan ng lahat. Samakatuwid, hindi lamang para dalhin sa bawat isa ang mensahe ng biyaya ni Kristo ang misyon ng Simbahan, ngunit gayundin upang tagusin at maperpekto ang pansamantalang anggulo sa pamamagitan ng ispiritu ng Ebanghelyo." (AA,15).

Dagdag pa rito, hindi lamang tungkol sa bawat isang tao ang kaligtasan kundi sa komunidad rin, sapagkat depende ang personal na kaligtasan sa biyaya ng Diyos na kumikilos hindi lamang nang direkta sa isang indibidwal kundi ganun din sa pamamagitan ng komunidad. Mahalaga ito at hindi matatakasang implikasyon ng nananampalatayang komunidad bilang Katawan ni Kristo, "isang bayang sumasamba." Naniniwala tayo kung ganoon na senyales ng Diyos at instrumento ng kaligtasan ang Simbahan. Bilang resulta, kailangang iproklama ng Simbahan ang Ebanghelyo ng kaligtasan sa pulitikal na komunidad. Dahil sa katotohanang mayroong mapagpasyang impluwensiya ang pulitika para sa ganap na kabutihan ng sangkatauhan.

 

priests1.jpg (53218 bytes)3. Mula sa Personal at Panlipunang Pagkakasala ang Kaligtasan, Kasama ang kasalanan sa Aspetong Pulitikal. Higit na mauunawaan ang gampanin ng Simbahan sa pulitika kung ikokonsidera natin na maaaring pag-ugatan ng kasalanan ang mga gawain sa pulitika. Sapagkat hindi lamang personal kundi panlipunan din ang kasalanan (tingnan CFC, 1166-71). Matatagpuan ang kasalanan, sa katunayan, nang una sa lahat sa puso ng tao. Subalit lumalawak ang impluwensiya ng kasalanan sa pamamagitan ng mga sitwasyon at "mga istruktura ng pagkakasala," tulad ng uri ng "maruming pulitika" na inilarawan sa simula pa nito--isang pulitika, na kilala sa katawagang "guns, goons at gold," isang pulitika ng pandaraya at kasinungalingan, ng di-maprinsipyong kumpromiso, pagpapasarap at pagmamadali, isang pulitika ng kasakiman. Tila sadyang halos imposible na mabago ang nasabing namamayaning kalakaran ng pamumulitika sa ating bansa, na sadyang kalunos-lunos at napakalalim ng pagkakaugat nito dito. Para sa Simbahan, kung gayun, upang maging tunay na senyales at instrumento ng integral na kaligtasan, dapat itong kumilos para lupigin ang kasalanang nasa kalakarang pampulitika rin (cf. SRS, 36-38; RP, 16).

 

4. Mayroong Opsiyon para sa Maralita ang Simbahan sa Larangan ng Pulitika. Nasaksihan natin kung gaano sadyang nakahilig laban sa mga maralita ang mga pampulitikang puwersa ng ating lipunan. Dahil nasa kamay ng iilan ang kapangyarihan sa pulitika, ganuon din ang kapangyarihan sa ekonomiya. Upang tulungang maitama ang kawalan ng balanseng ito, "dapat magkaroon ng higit sa batas yaong mga kapos sa buhay." Ngunit ang nakakalungkot, pumapabor sa mga mayayaman at sa mga makapangyarihan sa kapinsalaan ng mga mahihirap ang marami sa mga batas at polisiya sa ating bansa. Sa pagsapit ng panahon ng katotohanan, eksklusibong nakatuon sa kanilang mga pansariling interes yaong mga tumatangan ng tuntungan ng pampulitika at pang-ekonomiyang kapangyarihan. Umaapaw ang mga halimbawa nito ngunit banggitin lamang natin ang ilan: ang pagbabawas sa tunay na diwa ng "Kumprehensibong Programa sa Repormang Agraryo," ang lumalaking bilang ng naitatakdang eksepsiyon sa programa, ang pagpaprayoridad na ibinibigay sa mga malalaking negosyo kaysa sa maliliit na magsasaka, ang pananatili ng mga pamilyang may dinastiyang pulitikal na pinapanginoon laban sa mga maralita. Hindi totoong makamahirap ang maraming pulitiko kahit na sa kabila ng kanilang mga pagpoprotesta. Kaya nga misyon ng Simbahan ang pagpapanibago at transpormasyon ng ating mga pampulitikang institusyon at mga gawain: Malibang magpursige ang Simbahan sa misyong ito, magpapatuloy ang pagtaliwas ng pulitika laban sa mga maralita.

Ang maging maka-mahirap at ang magkaroon ang Simbahan ng opsiyon para sa maralita - ito ang malinaw na pangaral at halimbawa ni Kristo sa bawat Kristiyanong mananampalataya (PCP-II, 312-14; tingnan CFC, 1187-89). Upang maisakatuparan ang Ebanghelyong ito ng kahalagahan ng opsiyon para sa maralita, dapat kumilos ang Simbahan upang pagsikapang mangaral at baguhing-anyo ang ating pulitika sa bansa, ang mga institusyon nito, mga relasyon, mga pagpapahalaga at kaugalian, nang maging tagapaglingkod nang may pagkiling sa mga maralita ang pulitika.

 

5. Ang Persona ng Tao na Apektado ng Pulitika ang Daan ng Simbahan. Sa katunayan, maaaring buuin o sirain ng pulitika ang persona o pagkatao ng tao. Maari nitong dalhin ang pagkatao ng tao sa pangkalahatang kagalingan o kaya’y wasakin nito ang kanyang dangal sa pamamagitan ng pagkukulong sa kanya sa mga makasalanang istrukturang pampulitika. Ngunit humihimok ang misyon ng kaligtasan sa Simbahan upang makipagtulungan sa iba sa pagpapaunlad ng kabuuang pagkatao at ng lahat ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit tinukoy ni Juan Pablo II sa kanyang unang sulat-ensiklikal, Redemptor Hominis, na ang kongkretong taong nabubuhay sa kasaysayan ang siyang "daan ng Simbahan" (RH, 14; CA, 53-54). Hindi matatanggihan ng Simbahan ang mga puwersa na umiimpluwensiya sa pagkatao sa kabutihan o sa masama--at isang puwersa ang pulitika. Kung gagawin ng Simbahan ang pagtanggi sa pulitika bilang isang puwersa, itinatakwil nito ang sariling misyon sa kapakanan ng pagkatao ng tao.

Ang mga konsiderasyon sa itaas ang dahilan sa pakikisangkot ng Simbahan sa pulitika. Bilang nag-uugat sa Ebanghelyo, mga simpleng batayang katotohanan ang mga ito ng ating pananampalatayang Katoliko. Kung tumutuligsa ang Simbahan sa pampulitikang kagawian, kaasalan o isruktura na taliwas sa Ebanghelyo at sa Paghahari ng Diyos at sumasalungat laban sa integral na kaligtasan ng pagkatao ng tao, laluna ng mga maralita, bakit bumabatikos ang mga iba, kahit yaong mga nakapag-aral na mga Katoliko, sa Simbahan dahil sa "pampulitikang pakikilahok" nito? At bakit wala namang pagrereklamong maririnig kapag sumusuporta o pumupuri sa mga inisyatibo ng pamahalaan ang Simbahan? Hindi pakikilahok ang sumuporta subalit pakikilahok naman ang tumuligsa? Isa ngang kakaibang lohika ito! Masasabi nga nating kongklusyon, ang kawalan ng pag-unawa sa misyon ng Simbahan ang pangunahing dahilan.

 

 

G. Ang Moral at Relihiyosong Katotohanan Bilang Gabay sa Pulitika

Kung makikilahok ang Simbahan sa pulitika sa pamamagitan ng moral at relihiyosong batayan na naipresenta sa itaas, isinasakatuparan nito ang karapatan at tungkulin niya sa ibat-ibang pamamaraan, kung saan pangunahin sa lahat ang pangangaral ng moral at relihiyosong katotohanan na dapat gumabay at magpanibagong-anyo sa pulitika ayon sa Ebanghelyo. Nagbibigay sa atin ng mga mahahalagang prinsipyong ito ang mga Kasulatan, ang moral at panlipunang mga aral ng Simbahan (tingnan ang CFC, 1162-63, 1193).

 

1. Dignidad ng Tao at Pagkakaisa--isang Unang Prinsipyo ng Pulitika.

Dignidad ng tao at pagkakaisa ang unang prinsipyo. naggagaling Ang dignidad ng tao sa pundamental na reyalidad na nilikha sa wangis ng Diyos (Genesis 1:27) at tinatawag upang upang makibahagi sa walang-hanggang buhay kasama ng Diyos ang bawat tao, lalaki o babae. Sa Kristiyanong paniniwala, isang integral na dimensiyon ng dignidad ng tao ang katotohanang Diyos-na-nagkatawang-Tao si Hesu-Kristo upang iligtas ang tao mula sa pagkaalipin sa kasalanan. Kaya nga sadyang pananaw nito ang Simbahang "kontribusyon para sa pampulitikang kalakaran ukol sa dignidad ng tao na ibinunyag sa buong kaganapan nito sa misteryo ng salitang nagkatawang-tao" (CA, 47).

Dapat irespeto at itaguyod ng pulitika ang dignidad ng tao at ang pundamental na karapatang pantao na nagmumula sa nasabing dignidad. Kung ganon, walang-kahihiyang itinatakwil ng mga pulitiko ang pantaong dignidad ng kanilang kapwa-tao kung sinasamantala nila ang kanilang kapwa mamamayan at tumatanggi sa pagpapasiya ng mga ito sa prosesong panghalalan sa pamamagitan ng pandaraya at karahasan, kung itinataguyod nila ang kanilang mga pansariling interes kahit sa anumang pamamaraan, patas man o mali, dahil sa kasakiman sa kapangyarihan o pag-aari na kumokumpromiso sa kapakanan ng iba.

Ang kapantayan sa dignidad ng lahat ng tao ang magdadala sa kanila sa nagbibigayang pagkakaisa. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, pinagbubuklod sila hindi sa pamamagitan ng mga mabababaw lamang na mga kasentimentuhan ng tao o sa malalabong pakiramdam sa pagkakaisa ng mga tao, kundi sa aktibong pagbibigkis ng mapagkapwang respeto, pagmamahal at serbisyo. Isang "matibay at matiyagang determinasyon sa pagtatalaga ng sarili sa pangkalahatang kagalingan,"ang pagkakaisa. "Nangangahulugang, para sa kabutihan ng lahat at ng bawat isang indibidwal sapagkat responsibilidad talaga natin ang lahat ng tao" (SRS,38). Ang pagkakaisa ay winawasak ng makasariling kumpetisyon at sakim na pag-aambisyon sa kapangyarihan na naglalarawan sa ating pampulitikang kultura. Hindi ba’t nangyayari ito kahit ngayon dahil sa

mga di-makatwirang pagpapayo at mapaghating pagsusulong para dagdagan ang termino ng mga pampulitikang opisina sa pamamagitan ng pagbabago ng Konstitusyon? Ginagamit ang pangkalahatang kagalingan para bigyang-katwiran ang nasabing pagsusulong. Maaaring maging kapani-paniwala ito kung kilala sanang mga tagapagtanggol ng kagalingan ng lahat ang mga pulitikong nasa likod ng nasabing pagsusulong na ito kaysa mga opisyal na kilalang kilala bilang mga trapo--ang mga klase ng pulitikong kung saan ang mga panununggab nito ang siyang pinagsisikapan ng mga mulat na mamamayan na makalaya ang bayan.

 

2. Ang Pangkalahatang Kabutihan – Layunin ng Gawaing Pulitikal. Isang pangunahing turo ng Simbahan na umiiral ang isang pamayanang pulitikal para sa pangkalahatang kabutihan. Sakop nitong pangkalahatang kabutihan ang "kabutihan ng lahat at ng bawat isang indibidwal" (SRS, 38) at "katipunan ng lahat ng kalagayan ng buhay panlipunan na nagbibigay sa bawat isa, bawat tahanan, at mga organisasyon ng kakayahang maratnan ang isang buo at mabungang kaganapan" (GS, 74). Kaya, kailangang nakatuon lamang sa pagkamit ng pangkalahata’t unibersal na kabutihan ng lahat ang gawaing pulitikal, at hindi sa ikakatagumpay ng mga interes ng isang indibidwal, ng isang pamilya, ng isang uring panlipunan, o ng isang partidong pulitikal. Ngunit nakakalungkot, na sa kasaysayan ng ating pulitika, mangilan-ngilan lamang na pangyayari ang pangkalahatang kabutihan ng naging tunay na adhikain ng ating mga partidong pulitikal. Tunay nga na sa pulitika, nakakalungkot na hindi pangkaraniwan ang pangkalatang kabutihan, kapangyarihan at pera para sa sarili at pantahanan ang naghaharing layunin ng gawaing pulitikal.

 

Service and Faith3. Autoridad at Poder – Isang Banal na Tiwala alang alang sa Paglilingkod. Ganoon rin, kailangang bigyang diin na nanggaling sa Diyos ang autoridad at poder. Ito ang malinaw na tinuturo ng Kasulatan: "Walang kapangyarihan na hindi galing sa Diyos" (Roma 13: 1). At ibinibigay lamang ng Diyos ang autoridad na may pagtitiwala. At bilang pastol sa pagtitiwalang ito, may utang na loob sa Diyos, ang nasa posisyon at responsible siya sa Diyos na humihingi ng pananagutan mula sa kanya bilang katuparan ng ibinigay na autoridad. Hindi para sa personal na pagpupuri at paghahari ang autoridad. Ibinigay ito para sa paglilingkod (tingnan angMarcos 10: 45) nang sa gayon ang taong may kapangyarihan ay makatulong sa iba upang tumubo sa kanilang dignidad at pagkakaisa (2 Corinto 10: 8). Tumataliwas sa kalikasan at layunin ng autoridad ang paggamit ng isang posisyon at poder nito para lamang sa sariling interes; at niloloko niya ang mga tao na umaasang paglingkuran sila. Hindi karapatdapat na humawak ng autoridad ang mga opisyal na hindi naglilingkod.

Kung pinapangatawanan na hindi lumalampas sa mga hangganan na nakatagda ang isang lehitimong itinatag na autoridad, ng may buong kayayahan at alunsunod sa moral na batas, kailangan lamang itong galangin at sundin. Ngunit kung ginagamit ito ng taliwas sa moral na batas, hindi nito sinusunod at lumalabag ito sa kalooban ng Diyos. Naglalaho ang pangangailangang sundin itong autoridad kung tumataliwas sa kalooban ng Diyos. Malinaw na hindi kailangang sundin ng sinumang mamamayan ang isang kautusang nag-uutos na gumawa ng isang masama. Sa katunayan, karapatdapat lamang na tutulan ng lahat ng mamayan ang maling paggamit ng autoridad at magpahayag na: "Kailangan marapatin nating sundin ang Diyos kaysa sa tao" (Gawa 5: 29). Ipinapahayag rin ng Vatican II itong turo ng Kasulatan: "Tama lamang sa kanila na ipagtanggol ang kanilang karapatan at ang karapatan ng kanilang kapuwa mamamayan laban sa pang-aabuso nitong autoridad sa loob ng hanggganan ng ley natural at ng utos ng Ebanghelyo" (GS, 74). Ito ang prinsipyong nagpapalagablab sa puso ng Pilipino upang makapit ang isang mapayapang Rebolusyon sa Edsa noong 1986.

 

4. Sa Pagitan ng Lipunang Pulitikal at ng Simbahan – Kapwa Nagtutulungan. Totoo ngang hindi maitutumbas ang kaunlarang materyal at kapakanan sa Kaharian ng Diyos, bahagyang nagtatalaban ang misyon ng Simbahan at ang misyon ng pamayanang pulitikal upang itaguyod ang pangkalahatang kabutihan. Kaya nga para rin sa adhikain ng mismong Simbahan at ng pamayanang pulitikal ang mismong pamumuhay ng mga tao nang may pagkakaisa at magtrabaho para sa buong kaunlaran. Mayroong mga makataong pangangailangan na ang pamayanang pulitikal ang angkop na tutugon at mayroong mga pangangailangan rin na sumasaibayo sa makamundong kapakanan na ang Simbahan lamang ang makakatugon. Kaya kailangan ang kapuwa pagtutulungan nang matamo sa gayon ang buong kaunlaran ng tao at ng lipunan.

 

Ngunit naibibigay lamang ng may kritikal na pagmumunimuni ang tulong ng Simbahan. Ang mas mahalagang utos ng Ebanghelyo at ng Kaharian ng Diyos ang tanging napakahalagang batayan ng pakikibahagi ng Simbahan. Sa dahilan ng ganitong batayan, hindi maaring kumiling ang Simbahan sa kahit na anong pamayanang pulitikal, partidong pulitikal o ideolohiya. Hindi rin maaring tumaguyod ang Simbahan sa kahit na anong uri ng rehimeng pulitikal. "Nasa kamay ng mga mamamayan ang pagpili sa rehimeng pulitikal at ang pagtalaga ng mga namamahala" (GS, 74), alinsunod sa nakasaad na prinsipyo nabanggit sa itaas. Ngunit malinaw na hindi matatanggap ng Simbahan ang isang rehimeng pulitikal na tumataliwas sa Ebanghelyo. Dagdag pa, hindi itinataguyod ng Simbahan ang pagbubuo ng isang makitid na pangkat na namumuno, na silang kumakamkam ng kapangyarihan ng estado para sa kanilang indibidwal na interes o mga layuning ideolohikal.

 

 

H. ANG TUKOY NA MISYON NG SIMBAHAN SA PULITIKA

Sa liwanag ng nakasaad na sa itaas, ano ngayon ang tukoy na misyon ng Simbahan sa kaayusang pulitikal? Nasa diwa ng 1971 Synod of Bishops on Justice in the World nakasaad ang tugon: "Malinaw na nagpapakita sa atin bilang isang sakop na bahagi sa pagpapahayag ng Ebanghelyo ang pagkilos sa ngalan ng katarungan at pakikibahagi para sa pagbabago ng sanglibutan." Mula sa diwang ito umaapaw ang ilang mahahalagang sangay:

 

1. Ang Pagkilos tungo sa Kabuuang Kaunlaran – Paggamit sa Pulitika bilang Kasangkapan. Bilang bahagi ng kanyang misyong itinalaga ng Diyos, may karapatan at tungkulin ang Simbahan na magtrabaho para sa buo at tunay na makataong pag-unlad, kalayaan at katarungan, paggalang sa karapatang pantao at kapayapaan. Sakop na nga ang lahat, ng diwa ng buo at makataong pag-unlad sapagkat tunay na pagsasakatuparan ang ganoong uring pag-unlad ng mahalaga at wastong adhikain, materyal man at espiritwal, ng lahat tao at ng lahat ng tao. Nangangailangan rin ang ganoong uring pag-unlad ng "pagbubuo ng mga balangkas ng pagbabahagi at samasamang responsibilidad" (CA, 46). Kaya nga dahil sa ganitong misyon, may karapatan at tungkulin ang Simbahan na magturo at makisangkot sa kaayusang pulitikal, makibahagi sa isang samasamang pagkilos na gawing malaya at malinis ang prosesong elektoral at sa gayon baguhin ang kaayusang pulitikal. Kailangang maging isang epektibong kasangkapan ang pulitika tungo sa buong pag-unlad ng lahat sa halip na maging isang instrumento para sa kapakanan laman ng iilan may pribilehiyo.

 

2. Ang Misyon ng Laiko. Isang espesyal na tungkulin ng mga laiko ng Simbahan ang makisangkot ng diretsahan sa kaayusang pulitikal. Tukoy na gawain ng mga laiko ang baguhin ang makamundong kaayusan ayon sa pagpapahalaga at diwa ng Ebanghelyo. Ngunit sa kabilang banda, tukoy rin na gawain ng mga nasa pamunuan ng Simbahan ang magturo ng may autoridad tungkol sa kung ano ang pinaniniwalaan ng Simbahan at sinasabi nito ukol sa kaayusang pulitikal.

Sinasabi ng Vatican II: "Pinupuri at pinapapahalagahan ng Simbahan ang mga taong ibinibigay nila ang kanilang sarili para sa kabutihan ng mga tao sa pamamagitan ng paglilingkod sa lahat at ialagay sa kanilang responsibilidad ang bigat ng pagkakaupo sa isang posisyon" (GS, 75). Dagdag pa itong pagtataguyod: "Maari pang hubugin silang may mga kakayahan para sa mahirap at marangal na sining ng pulitika, o kailangan ihanda ang kanilang sarili, silang ang kakayahan sa sining na ito, para sa ganitong gawain, at limutin ang kanilang sariling karangyaan at interes na materyal, kailangan silang makisangkot sa lahat na gawaing pulitikal" (Ibid.).

Sa ganito ring mga pangungusap ipinapahayag ng PCP II: "Sa pangkalahatang pananaw na umiiral sa Pilipinas ngayon, na balakid ang pulitika sa ganap na pag-unlad. Kaya nga’t mahalagang pangangailangan ang mas aktibong pakikilahok ng mga mananampalatayang laiko, na may katangi-tanging kakayahan at katapatan, sa mga gawaing pulitikal" (PCP II, 348). Hinihimok ng PCP II ang mga may kakakayahan at may katapatan na maging kandidato. "Dapat tumulong sa paghubog ng budhing panlipunan ng mga botante, ang mga mananampalatayang laiko. At dapat silang kumilos upang hayagang suportahan ang pagkakahalal nasa mga katungkulang pampubliko ng mga pinunong may wagas na katapatan" (PCP II Art. 28, #1).

Binigyang diin ng PCP II ang mga sumusunod na katotohanan upang gabayan ang pakikilahok ng mga Katoliko sa buhay-pulitika:

Na dapat ito ang pangunahing pamatayan para sa pakikilahok: paghahangad sa kabutihang pangmadla;

Na dapat ito ang maging katangian ng pakikilahok: pagtatangol at pangangalaga sa katarungan;

Na dapat ito ang bukal at gabay ng pakikilahok: ang diwa ng panglilingkod;

Na dapat maging puspos ito ng pag-ibig ng pagtangi para sa mga dukha; at

Na parehong maging isang proseso at isang layunin ng gawaing pulitikal ang pagbibigay-kapangyarihan sa mga taong-bayan.

Kaya makukuha natin ang isang paglalagom mula sa itaas para sa isang Katolikong pulitiko: na kailangan magpasya at kumilos sila sa kanilang buhay publiko alinsunod sa prinsipyo ng Katolikong pananampalataya at moralidad; hindi dapat nilang ihiwalay ang kanilang relihiyon sa kanilang pagkilos sa buhay pampubliko; at habang ginagalang ang kalayaan ng ibang mga taong may ibang relihiyon, hindi dapat sila matakot ng kumilos sa pampublikong buhay nang alinsunod sa kanilang pananampalataya at sa kanilang pagiging saksi sa Ebanghelyo.

 

3. Pagkamaramihan ng Pagpilian sa Buhay Pulitika. Kailangan rin nating mamulat na sa liwanag ng Ebanghelyo at pagiging tapat sa Ebanghelyo, napakaraming pagpipilian sa pulitika ang mga Katoliko (GS, 43). Hindi nagbibigay ang Ebanghelyo ng isang paraan lamang ng pagiging isang pulitikal ng tao ni isang paraan lamang ng pamamahalang pulitikal, maging monarkiya, presidensyal, parliamentaryo, o kahit na ano. Maaring kamtin ang katarungan, kapayapaan at ganap na pag-unlad sa napakaraming pamamaraang pulitikal. Kaya nga walang anumang partidong pulitikal o programang pulitikal ang makapagsasabi na siya lamang ang Katoliko. Kaya nga wala naman talagang "Katolikong boto." Wala ring partikulat na mga grupong Katoliko ang magpahayag na ang kanilang kandidato ay kandidato ng Simbahan. nagbibigay lamang ng mga gabay Ang mga kasapi ng pamunuan ng Simbahan upang tulungan ang mga mananampalatayang laiko upang bumoto ng matino. Sa pangkaraniwang kalagayan, hindi sila nag-iiindorso ng isang partikular na kandidato o partido ngunit hinahayaan nila ang mga mananampalatayang laiko na bumoto ayon sa kanilang budhi na may liwanag at sapat na paghubog.

 

Sa liwanag ng pagkamarami ng mg posibleng pagpipilian na tapat sa Ebanghelyo, kailangang maging karapatan ang kalayaan na mamili na ating papahalagahan sa isang demokrasya. Nagiging isang obligasyon lamang sa mga Katoliko ang isang tukoy na pasyang pulitikal kung malinaw na ito lamang ang iisa na hinihingi ng Ebanghelyo, dagdag pa dito kung ito ang ipinaliwanag at itinuturo ng may autoridad ng papel ng Simbahan bilang magisterium.

 

4. Pagiging Partisan sa Pulitika. Pangkaraniwang hindi nakikilahok sa isang "pulitikang partisan" ang mga taong Simbahan na may katungkulan sa pamunuan ng Simbahan dahil sa posibilidad ng napakaraming pagpipiliang pasya sa pulitika. Ang mga pinuno ng Simbahan ang kinatawan ng buong komunidad na kanilang pinamumunuan at ginagabayan. Kung ang pinuno ng Simbahan ang magtutulak, sa isang opisyal at publikong paraan, ng isang partikular na kilos pulitikal laban sa ibang kilos na angkop rin sa Ebanghelyo, samakatuwid, mga pagkilos ring moral, ito ay hahantong sa pagsasabing ang kanilang pagkilos lamang ang kaisaisang kilos sa liwanag ng Ebanghelyo na kailangan gawin at sundin ng mga tao. Nakakawasak ito sa pagkakaisa ng komunidad. Kung ganitong pulitika ang nakasangkot, ang kalayaang pumili na sinabi natin sa itaas ang kailangang maging bahagi ng ating pagpapahalaga, at dapat lamang maging gabay na prinsipyo – lalo na mula sa pulpito.

Sa itaas sinabi nating ang pahayag mismo ng PCP II tungkol sa responsibilidad ng laiko na "kumilos upang hayagang suportahan ang pagkakahalal nasa mga katungkulang pampubliko ng mga pinunong may wagas na katapatan." Hindi ito isang panawagan upang bumuo ng isang "Partidong Katoliko" o upang magkaroon ng mga puwang para sa mga "Katolikong Kandidato" na kailangan suportahan ng lahat, ngunit isang pagpapalakas ng loob ito sa lahat na maging mapagmuni at mapagkilatis sa kanilang pagpipili ng mga kandidato na manunungkulan at aktibong kumilos sa paghalal sa kanila. Oo nga, panawagan ito upang maging partisan sa pulitika, ngunit isang pagiging partisan sa paraang "malinis" – na ang kasalungat ng lahat na ibig sabihin ng mga katagang "maruming pulitika" ang ibig sabihin. Kasama rin dito, hindi ginagamit ang Simbahan para sa tahasang layuning partisan. Ito ang mismong pagpapahayag ng Mabuting Balita sa larangang pulitikal, sa kongkretong paraan.

 

 

I. Kilos Pastoral para sa Pagbabago ng Pulitika

Paano natin mababago ang pamumulitika sa Pilipinas sa paraan na, magbabahagi ito tungo sa ganap na pag-unlad, kasama ang pagtubo sa larangang esperitwal ang ating mga tao sa halip maging sagabal? Paano natin babaguhin ang pulitika upang maging tulay ito ng kapakanan ng mga tao at pagtubo ng atng buhay sa liwanag ng biyaya? Paano natin matitiyak na hindi manatiling panaginip lamang ngunit maging totoo ang ukol sa pananampalataya at pulitika na ating sinabi sa itaas?

 

1. Katekesis at Edukasyong Pulitikal. Ang katekesis ukol sa pulitika o isang Kristiyanong pag-aaral ukol sa pulitika ang pinakabatayan na maaring gawin. Sa kasalukuyan, maliwanag na mayroong paghihiwalay sa pagitan ng ating buhay-pananampalataya bilang mga tao at ang ating kulturang pulitikal. Itong paghihiwalay ang sumasagabal sa atin na makilahok sa mga kilos pulitikal. Bunga nito, tigib ang ating pulitika sa panlilinlang, panloloko, pandaraya, karahasan, pangungurakot, paglalagay, at bulag na katapatan. Ngunit , tinatawag naman ng lahat ng nakikibahagi at nakikilahok sa prosesong pulitikal ang kanilang sarili na Kristiyano. Mas masama pa nito, ginagamit pa ng mga pulitiko ang kanilang pagiging Kristiyano upang itaguyod ang kanilang interes, tulad lamang sa kanilang pagpapakuha ng litrato sa loob ng mga simbahan bago ang halalan o ang pagiging ninong sa mga binyagan at kasalan upang palawakin ang kanilang mga tagasuporta.

 

Ngunit hindi pangmatagalan ang epekto ng katekesis ukol sa pulitika kung ginagawa lamang ito sa panahon ng halalan. Kailangang gawin ito bilang bahagi ng regular na katekesis sa tahanan, sa paaralan, sa Maliliit na Pamayanang Kristiyano (BEC), sa mga komunidad-tipanan ng mga laiko, mga organisasyong relihiyoso – "napapanahon man o hindi napapanahon" o bilang PPCRV na islogan, "panghabang panahon." Sa pamamagitan ng katekesis ukol sa pulitika, kailangang gabayan ang mga tao na makita ang buhay at tuluyang hibla sa pagitan ng buhay-pananampalataya at ang kanilang kilos pulitikal. Kailangang turuan silang tasahin at kilatisin ang iba’t ibang maaring pagpipiliang kilos at pagpapasyang pulitikal at tingnan ang mga ito kung alinsunod sa Ebanghelyo at sa mga turo ng Simbahan. Kailangan ang katekesis ang maglalagay sa kanila sa kalagayang kaya nilang ipadama at isakatuparan ang kanilang pananampalataya at magagabayan sila ng kanilang pananampalataya sa kanilang pamumulitika.

 

2. Mga Gabay sa Pagpili ng mga Pulitikal na Opisyales. Nakita na natin kung gaano karami ang mga botanteng naiimpluwensiyahan ang kanilang pagpili sa mga kandidato, hindi ayon sa kanilang budhi, ngunit ayon sa mga ugnayang pampamilya. Alam rin natin na malakas na panghatak ng boto ng mga tao ang pagiging popular ng isang kandidato (madalas sa ibang larangan tulad ng isports, TV at pelikula) o ang mga gantimpalang pulitikal at pangkabuhayan na maasahan, pera at mga regalo – at ang maling pakahulugan sa utang na loob. Hindi pinapahalagahan at isinaalang-alang ang pagiging angkop ng kakayahan sa tungkulin, katapatan, personal na karangalan at integridad at ang kaayaayang programa ng pamamahala. Kaya nga sa pangangampanya ng mga pulitiko, kailangan nilang tupdin ang ninanais ng mga botante sa kanila sa pamamagitan ng pag-aaliw at pagbibigay ng pera o mga regalo o mga bagay-bagay.

 

Kasama rin sa edukasyong pulitikal ang mas matinding kamulatan sa mga gabay na tutulong sa mga taong gumawa ng wastong pagpasya at pagpili, ayon sa konsiyensiyang sapat na hinubog, sa paghalal sa mga kandidato. Ito ang dahilan kung bakit, mula pa sa simula na binigyan namin ito ng pansin, sa 50 taon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, nagpapalabas ang mga Obispo sa Pilipinas ng mga gabay sa paraang regular tuwing mayroong pambansang halalan na gaganapin. Nagpapalabas rin ng hawig na gabay ang iba pang organisasyon ng Simbahan sa pambansang nibel, tulad ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPC-RV) at NASSA-VOTE CARE. Hinihimok namin ang lahat na maging mulat sa mga gabay na yaon, pagmunihan ang mga ito, pag-usapan ito kasama ng ibang mga tao, at seryosong sundan ito ayon sa kanilang kapatan sa pananampalataya, sa kanilang pakahulugan relihiyoso at moral, sa pagtitimbang sa kalidad, kakayahan ng mga kandidato sa katungkulan.

 

3. Paghahanda para sa Pamunuang Pulitikal. Sa kasalukuyan, walang programang umiiral na maaring sasailaliman ng mga marangal na tao at may dunong pulitikal upang paghandaan ang kanilang pakikilahok sa isang marangal ngunit mahirap na sining ng pulitika. Nanawagan nang makailang beses ang Federation of Asian Bishops’ Conference sa ganoong programa bilang paghahanda sa liwanag ng kalagayang pulitikal sa Asya (tingnan ang 1986 Tokyo at 1990 Bandung FABC Final Statements). Kailangang-kailangan ang ganitong simulain sa kalagayan ng Pilipinas.

Kailangang matuto ang maaring maging pinunong pulitikal sa mga prinsipyo at kasanayan ng pamumulitika sa Kristiyanong pamamaraan, alinsunod sa mga Ebanghelyo, sa pagpapahalaga ng Kaharian ng Diyos, ang turong pangmoral ng Simbahan, lalo na ang mga Panlipunang Turo nito. Isang pangangailangan ang implikasyon ng paninindigan ng PCP II, na hinihimok ang mga taong nasa responsableng posisyon na aktibong itaguyod ang ang paghalal sa mga karapatdapat na kandidato, na hubugin ang mga kandidato sa panunungkulang pampubliko. Kung tinuturuan sa kanilang larangan ang mga hepe ng kalakal, kailagan ring hubugin ang mga pinunong pulitikal nang sa gayon magagampanan nila ang bigat ng panunungkulang pampubliko ng may kakayahan at integridad.

 

4. Pagbabalik-loob sa mga Bagong Pagpapahalaga. Ang pagbabalik-loob sa mga bagong pagpapahalaga ang kailangan bilang batayang kilos pastoral. Ito ang dapat na layunin ng katekesis ukol sa pulitika. Walang mahalagang pagbabagong mangyayari sa ating kalagayang pulitikal kung walang pagbabago ng puso – pagbabalik-loob, samakatuwid – sa ating mga pangunahing pinapapahalagahan, sa ating mga pagpapahalaga. Sa ating lipunan, napakatinding pagpapahalaga ang naibibigay sa kapangyarihan at pera. Nangyayari ang mga kompromiso, tinataliwas ang katotohanan, iniwawaksi ang mga prinsipyo, hindi mapagkatiwalaan ang mga halalan, namamayani ang pandaraya, nanatili magpakailanman ang mga pulitiko sa kanilang katungkulan, nailalagay ang kanilang mga kamag-anak sa mga makapangyarihang posisyon, "bukas sa posibilidad" (options are kept open) – sapagkat ang kapangyarihan at pera, ang pinakamatinding mahalaga sa ating kulturang pulitikal. Ito ang dahilan kung bakit gumagasta ng nakaparaming pera ang mga tagasuporta sa kanilang mga kandidato sa mga pulitiko at ang mga kandidato rin mismo ang gumagasta na nakaparaming pera upang mailuklok lamang ang sarili sa posisyon – hindi sapagkat medyo nakikita nilang ito mismo ang "kalooban ng mga tao" o ng "kabutihang pangmadla" – kundi dahil sa kapangyarihan at madaliang pera na kanilang makukuha. Huwag tayong maging tanga. Gaya na ng nasabi, alam natin na binabawi ang mga gastos, malahiganteng kita ang makukuha kung magtatagumpay lamang. Nanatiling totoo pa rin ngayon ang isang walang kakonsiyensiya-konsiyensyang pahayag ng isang pulitikong nais samatalahin ang kapangyarihan ilang taon na ang nakalipas: "Ano pa ba ang silbi nating nasa kapangyarihan?"

Kailangang baguhin nating lahat ito. Ang pinakabatayan sa lahat ng kilos pastoral ang pagbabalik-loob sa mga bagong pagpapahalaga. Muli, dinadala tayo nito sa isang kailanganing gawin, bilang unang hakbang, ang katekesis ukol sa pulitika, na dapat magkaroon ng muling edukasyon sa lahat ng nibel ng ating lipunan at Simbahan, mga mananampalatayang laiko, mga relihiyoso, mga pari at obispo. Kailangan ring bigyang pansin na sa nibel ng mga maralitang Maliliit na Pamayanang Kristiyano (BEC), mabungang nangyayari ang ganitong muling edukasyong pulitikal.

Sa nibel naman ng mga pinuno ng Simbahan -- maging isang kleriko man o laiko – kailangan rin ang pagbabalik-loob. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga katangi-tanging handog at mga pribelihiyo mula sa mga trapos, na hinahayaan sila o ang kanilang mga kamag-anak na umupo sa mga mahahalagang posisyon sa mga organisasyong relihiyoso, tinataguyod natin ang kanilang mga gawaing pandaraya at panloloko, ang kanilang pangungurakot, at tinutulungan natin silang manatili sa kanilang kapangyarihan. Sa pamamagitan ng ganoong gawain, hinayaan nating maglaho ang katalasan at pagiging kapapaniwala ng ating propetikong pagtuligsa sa mga kasamaan ng pulitika. Kailangan nating baguhin ang ating pamamaraan at maging tunay na propeta ng ating panahon.

 

5. Pagbabagong Pambalangkas – Layunin ng Kilos Pastoral. Kung ang personal na pagbabalik-loob sa mga bagong pagpapahalaga ang kailangan, ganoon rin ang pagbabagong pambalangkas o istruktural. Marami sa ating mga pagpapahalagang negatibo bilang mga tao ang matinding umugat sa ating prosesong pulitikal. Sinabi natin ang tungkol sa hindi-ayon-sa-konsiyensyang pag-aantala sa pagpapahayag sa mga nanalo sa halalan. Madalas hindi lamang dahil sa mga hindi karapat-dapat na mga opisyal na nagpapatakbo ng halalan ang pag-aantala kundi dahil na rin sa pagmamani-obra ng prosesong elektoral ng mga pangkat na may ibang layunin. Butas-butas ang ating prosesong elektoral, dahil dito nagiging bukas sa anumang kasamaang maaring gawin dito – pandaraya sa panahon ng pagtatala ng mga botante, sa panahon ng halalan, sa pagbibilang at pagtatala ng mga boto, sa pag-uulat ng mga boto, sa papoprotesta sa mga resulta, sa pag-aayos ng mga protesta, at iba pa. Lumilikha ng mga dagdag pang kasamaan ang pag-aantala. Naging posible ang masamang dagdag-bawas noong nakaraang halalan ng mga senador dahil sa mga pagmamaniobrang pambalangkas o istruktural sa prosesong elektoral at dahil sa pagkaantala. Tunay na nga na kailangan ang mga reporma sa ating prosesong elektoral. Noong mga nakaraang taon, naghimok sa Kongresong ipasa ang maraming mungkahing elektoral ang pinakamapagkatiwalaang COMELEC sa loob ng nakaraang 30 taon. Sa panahong nagretiro ang pinakamapagkatiwalaang pinuno ng COMELEC, wala pa ring ginagawang pagkilos ang Kongreso sa mga mungkahing yaon. Ilan sa mga mungkahi ang pagbubuwag ng mga pampamilyang dinastiyang pulitikal – na tinatawag at hinihingi mismo ng Saligang Batas. Isa itong banta sa Kongreso. Tunay nga na kailangan at kagyat ang pagbabagong istruktural, laluna sa prosesong elektoral, at kaya nga ang pagbabago ng prosesong ito ang kailangang maging pinakamatinding mahalaga para sa ating lahat.

 

6. Aktibong Pakikibahagi ng Lipunang Pangmamamayan (Civil Society). Nang may pasasalamat, isinaalang-alang namin ang trabaho ng libu-libong mga boluntaryo ng gumagawa sa di-partisan na mga grupo katulad ng NAMFREL, PPC-RV, NASSA-VOTE CARE, Operation Quick Count. Naglingkod ng malaki itong mga boluntaryong nasa mga NGOs at mga organisasyong Simbahan upang maging saksi sa kanilang budhi at pananamaplataya upang baguhin ang kaayusang pulitikal, kahit sa gitna ng pagdurusang pisikal at sikolohikal, at kahit na sa harap ng panganib sa buhay.

 

Ngunit, hindi sapat itong mga makabayaning paglilingkod. Dapat mamulat ang buong taong-bayan sa katotohanan na nawawasak ng maraming dahilan ang pagiging relihiyoso at pagiging moral nating mga Pilipino, isa na dito sa pinakamalaking dahilan ang pulitika. Isang pangkalahatang pagkilos ng civil society ang kailangang mangyari upang baguhin ang pulitika at tanggalin ang mga aspetong masasama dito. Mga organisasyon sibil, mga POs, mga asosasyon ng mga laiko at relihiyoso, ang asosasyon ng mga paaralan, at iba pa. – dapat magkaisa lahat at magsama-sama para sa tunay at buhay na pagkakaisa sa ngalan ng ating bansa.

Tapat ang Simbahan tungo sa ganoong pagkakaisa sa pamamagitan ng pagtulong upang lumikha ng kalagayang mamulat ang mga tao ukol sa mga panlipunang sakit at sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malakang edukasyong pagpapahalaga ukol sa pulitika. Nagagawa ito ng Simbahan sa pamamagitan ng sarili niyang malawakang network ng kakayahan at pasilidad ng panlipunang komunikasyon; at lampas pa sa pagmumulat at pagpapahalaga, sa pamamagitan ng pagtataguyod at pagtulong sa kilos tungo sa pagbabago.

 

7. Pagtataguyod Pulitikal. Kailangang maging isang aktibong pagtataguyod ang kilos pastoral na nasa larangang pulitikal. Dapat maging interesadong malaman ng bawat isa kung anong mga panukalang batas ang tinatalakay ng Kongreso, ano ang mga posisyon ng mga senador at kongresista ukol sa mahahalagang isasabatas. Nang mga pagkakaisa, dapat hayagang suportahan ng civil society ang mga batas, polisiya at pagbabagong istruktural na magpaganda sa ating buhay sa lipunan at ng ating prosesong pulitikal. Kailangang hayagang laban rin nito ang mga panukalang batas na lumalabas sa adhikain at pangarap ng mga mahihirap, ang ganap na pag-unlad ng ating taong-bayan, ang integridad ng nilikha, mga moral na pagpapahalaga sa pamilya, ang kapakanan ng mga kababaihan, ng mga musmos at kabataan. Sa kasamaang palad, ang trabaho lamang ng mga taong may sariling interes pang-ekonomiya ang hayagang nag-iimpluwensiya ng mga mambabatas sa kongreso. Malinaw lamang na nagpapakita ng kanilang napakaliit na pag-aalala sa kabutihang pangmadla.

 

Trabahong pang-Kristiyano ang kumilos para sa mga batas na magdadala ng tunay na kaunlaran, mas pantay na pagbabahagi ng kita at kayamanan, ang pagtatangkilik ng karapatan ng maralita at ng mga katutubo. Trabahong Kristiyano ang hayagang impluwensiyahan ang mga mambabatas sa kongreso tungo sa repormang elektoral upang hindi mawasak ang kalooban ng mga tao.

Nangangailangan ng mahaba at mahirap na proseso tulad ng pananaliksik, pag-oorganisa, pakikibahagi sa mga pagtitipon na tinatawag ng Kongreso, at paggamit ng iba’t ibang media upang ipaalam sa mga tao kung ano ang ginagawa o hindi ginagawa sa Kongreso ukol sa kanilang tadhana ang ganitong uri ng pagtataguyod at paghahayag upang implwesiyahan ang konreso. Kaya nga, kailangang may matalas na layunin, pagkakaisang may koordinasyon, pagkamatatag at pagtitiyaga.

 

8. Pag-oorganisa tungo sa Mabungang Pagbabago. Mayroon tayong dalawang grupo sa Simbahan na naging pinakamabunga sa loob ng mga nakalipas na taon upang gawing malinis at mapagtitiwalaan ang halalan: ang PPC-RV ng Commission on the Laity at ang NASSA-VOTE CARE ng Commission on Social Action, Justice and Peace. Noong nakaraang pagtitipon ng CBCP, Hulyo ng taong ito, may ginawang mungkahi -- na sinang-ayunan naman ng lahat ng obispo – na magkakaroon ng isang malinaw na paghahati ng trabaho sa pagitan ng dalawang grupo. At napagpasyahang ang PPC-RV ang matatrabaho upang patugmain ang mga pagkilos ng lahat ng mga diyosesis sa panahon ng halalan; ang VOTE-CARE naman, sa kabilang banda, ang ahensiya ng Simbahan na gagawa ng pagkilos sa pagitan ng halalan upang bigyan ng edukasyon at ipamulat sa mga tao ang pagkailangang baguhin ng kaayusang pulitikal at sosyal. Sa bawat diyosesis naman ibinigay ang responsibilidad na pakilusin ang dalawang grupo at ang kanilang tao para sa mga nakatalagang trabaho.

 

Ang nakalaang trabaho para sa PPC-RV – malinaw na mula sa mga nakaraang karanasan – ang pag-organisa ng isang sariling tagabantay (poll watchers) sa panahon mismo ng halalan ang isa sa pinakamahalagang responsibilidad. Ngunit sa VOTE-CARE, mayroong pangangailangan na pakilusin ang mga diyoses sa isang mas sistematiko’t nakaprogramang paraan sa pamamagitan ng mga Social Action Centers, hindi lamang para sa isang sistematiko’t at samasamang pagpapamulat at pakililahok sa pulitikal (at pangkabuhayan) na problema, kundi pagkilos na rin upang manmanan ang mga pangungurakot pagkatapos ng halalan sa mga nibel ng barangay, mga bayan at probinsiya, at ang uri ng panunungkulan ng mga nahalal na opisyal.

Nagtitiwala tayo sa dalawang pangkat na ito ng Simbahan na magiging mabungang hataw ng ating pagkilos sa bawat diyosesis upang gumawa ng isang positibong trabaho tungo sa reporma at pagpapanibago ng ating kaayusang pulitikal na may mababang uri sa liwanag ng Ebanghelyo.

 

9. Pagbabago sa Saligang Batas. Ngayon, hinaharap natin ang isang krisis pulitikal na may kadambuhalaan. Ito ang mga pagkilos upang baguhin ang 1987 Saligang Batas ng Pilipinas. Bilang mga Obispo, pinagmunihan namin ng matagal ang krisis na ito, pinag-usapan ang panlipunan, pampulitika, pangkabuhayan at pangkulurang konteksto nito, pati na rin ang mga bubungahin nito. At nagkakaisa kami sa aming paninindigan laban sa pagbabago ng Saligang Batas ngayon.

 

Nalulungkot tayo na sinamantala ang mga sektang panrelihiyon at ang mga taong may mga mabututing hangarin pati na rin ang mga diwa ng demokrasya upang itaguyod ang pagbabago sa Saligang Batas. Naging mapangwasak ang bunga nito: hayagang namamayagpag ng kanyang sarili ang pinakamasama sa pulitikang tradisyunal, naging matindi ang krisis ng ekonomiya, nasira ang tiwala at kredibilidad ng pamahalaan, at nararamdaman ng mga tao na niloko sila at minanipula. Mayroong matindi at wastong galit na nasa ating taong-bayan.

Nagpapakita lamang ang mga pagsisikap upang baguhin ang Konstitusyon ang kasamaan ng pulitika na atin nang pinag-uusapan dito – ang panlalansi, ang pagiging doble kara, ang pagmamaniobra, ang pandaraya, at ang kakulangan ng kalinawan, paggamit ng kapangyarihan upang itaguyod ang makasariling interes. Hindi natin ito babalewalain. Kailangang kumilos tayo upang labanan ang mga ito.

Naniniwala tayo na dapat ihinto nang walang kondisyon, nang walang pagkaalanganin, at wala nang pagbabagong-isip, ang lahat ng pagsisikap na baguhin ang Konstitusyon. Ngayong panahon ang landas tungo sa pagkakaisa. Kung dumating man ang panahon upang baguhin ang Konstitusyon, gagawin ito nang may malawakang pakikibahagi at pagkakaisa ng adhikain, nang may ganap na kaliwanagan at pakamahinahon, nang may mga dahilan na malinaw na tumutungo sa kabutihang pangmadla sa halip na ang pansariling interes ng mga pulitiko. Dapat at kailangan lamang na maliwanag na magpahayag ngayon, na hindi na tatanggap ang lahat ng mga nahalal na opisyal ng pagtatatalaga pa sa katungkulan kahit na anupamang kalagayan o mangyayari na naghahanap ng pagpapatuloy pa ng kanilang panunungkulan.

Kailangan ngayong buuin muli ang pagtitiwala at pananalig. Isa itong mahirap na gawain. Ngunit tiyak na mangyayari ang pagbubuo muli ng tiwala at pananalig pati na rin ang pagbabago sa pulitika tungo sa ikakagalak ng Diyos– sa pamamagitan natin, ang Bayan ng Diyos, sa pakikipagtulungan sa ibang kapuwa tao na mayroong tapat na pananampalataya.

 

SA KATAPUSAN

Sa isang sandali sa ating kasaysayan, matinding nangangailangan tayo ng pagbabago at nagawa natin – sa pamamagitan ng People Power, na walang karahasan, sa EDSA Revolution. Isang hindi pa tapos na rebolusyon ang nagawa natin noong 1986. Isang kailangang karagdagan sa nangyari noong 1986 sa EDSA ang pagbabago ng ating buhay pulitika at proseso. Malakas ang ating kaharap noon ngunit nagtagumpay tayo. Malakas rin ang nakakaharap uli natin ngayon, ngunit magtatagumpay tayo.

Inaanyayahan namin kayong lahat, mga Kapatid sa Panginoon, na makisangkot sa amin sa isang sama-samang pasya upang linisin at baguhin ang nakita na nating isa sa pinakanakakawasak na aspeto ng ating pambansang buhay – ang uri ng ating pulitika ngayon.

Tulad noong 1986 sa EDSA, ngayon rin: Kailangan nating mag-isip para sa kabutihang pangmadla, kailangan nating manalangin ng sama-sama at kumilos ng sabay-sabay upang baguhin ang pulitika tungo sa pagiging instrumento nito sa ating pambansang pagbabago, isang kasangkapan ng makatarungan at buong paglago ng bawat isang Pilipino at para sa lahat ng Pilipino.

Tulad noong 1986 sa EDSA, ngayon rin: Hindi tayo gumagawa na nag-iisa. Tulad ng Salmista na nagpapaalaala sa atin: "Kung hindi itinatayo ng Panginoon ang bahay, walang saysay ang gawa ng mga nagtatayo" (Salmo 127: 1). tunay ngang gawain ng Diyos ang trabaho ng pagbabalik-loob at pagbabagong-buhay at tinatawag Niya tayong makitrabaho sa Kanya. Ito ang dahilan kung bakit tayo mayroong pag-asa at pagtitiwala – ang biyaya ng Makapangyarihang Diyos. Manalangin nawa si Maria, Ina ng ating Panginoon at ng ating pinakamamahal ng bayan, upang hingin para sa atin sa Panginoong Hesus ang mga biyaya na kakailanganin natin sa isang napakalaking misyon na napakahalaga sa ating kinabukasan bilang isang bansa.

 

Para sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines:

 

(Lgd.) +OSCAR V. CRUZ, D.D.

Presidente

16 Setyembre 1997

Go back to main page. Whew!

MAIN MENU