IKALAWANG BAHAGI
Tradisyunal at Alternatibong Pulitika

cory's_oath_taking2.jpg (31240 bytes)

 

Oras na Kinakailangan

 

 

1at ½ Oras

Mga Layunin sa pagtatapos ng sesyon, inaasahan ang mga kalahok na:

1. makapagbahagi ng ating karanasan sa tradisyunal o alternatibong pulitika bilang mga saksi sa ganitong gawi o bilang mga gumagawa nito sa ating mga grupo o komunidad.

  2. makapagpaliwanag ng mga dahilan kung bakit kailangang sugpuin ang tradisyunal na pulitika, at kung bakit kailangang itaguyod ang pulitikang nakatuon sa isyu;
  3. makapagbigay ng mga tiyak na mungkahi kung paano mababawasan/mapipigil ang tradisyunal na pulitika at mga pulitiko at kung paanong itataguyod ang alternatibong pulitika at mga nagpapalaganap nito.
Mga Kagamitan 1. Pisara

2. Chalk

3. Manila paper

4. Overhead projector at transparencies

5. Mga kagamitang panulat

 

PAMAMARAAN

 
 

Pambungad

Pagkatapos nating makita ang mga sangkap na nagiging dahilan at nagpapanatili sa kalagayan ng pagkabingit sa krisis sa ngayon, tingnan natin ang isang malalim na ugat ng pagpapatuloy ng kalagayan ng pagkabingit sa krisis: ang tradisyunal na pulitika at ang masama at malalim na epekto nito sa ating halalan.

Ipaalam sa mga kalahok ang gagawin. : (1) una, kailangan nating maunwaan ang kapaligirang ginagalawan sa pamamagitan ng isang panayam

(2) pangalawa, isasagawa natin ang sari-sarili nating pag-aalaala/pagmumuni-muni at (3) huli, maghahati-hati tayo sa maliliit na grupo para sa bahagihan tungkol sa ating mga tuwirang karanasan ng pulitika sa Pilipinas.

 

Gawain

 

Payak na Panayam. Magbigay ng napakapayak na panayam tungkol sa pulitika sa Pilipinas, na inilarawan ng maraming tao bilang nililigalig ng tinaguriang 'TRADISYUNAL NA PULITIKA.

Sa kabuuan, magbigay ng malawak na balangkas kung ano ang pakahulugan ng mga tao tungkol sa tradisyunal na pulitika. [ Ito marahil ang higit na nababagay para sa mga kalahok na mayroon nang kamalayan sa ganitong di-pangkaraniwang pangyayari.]

 

          [Ang alternatibong panayam: Sabihin sa mga tagapakinig na nakilahok na sa ilang pangunahing pampulitika/panghalalang pagsasanay dito sa bansa ang bawat isa. At sinasabi ng maraming tao na "marumi" ang pulitika sa bansang ito. Kung gayon, nais nilang ipaalam na laganap ang dayaan, pamimili ng boto, at anomalya. Mula dito, maaaring kumilos ang iyong panayam sa isang payak na balangkas ng "traditional politics."]

Kailangang naaayon sa sumusunod na lohika ang iyong paglipat sa susunod na bahagi. Hindi na kailangang sabihin na hindi maaaring pahintulutang magpatuloy ang ganitong bagay. Ipinapaunawa ng taglay nating pagpapasyang moral na mali ito, na dapat itong baguhin, na dapat tayong kumilos patungo sa ibang bagay (hindi pa natin alam kung ano ito). Subalit may pangkalahatan tayong pandama kung ano ang maaari nating gawin sa iba't ibang antas -- sa larangan ng batas, sa larangan ng pagsasanay, maging pambansang antas, intermedya, lokal, o indibidwal.

Ngunit bago tayo makarating sa isang sama-samang pagkilos, kailangang magkaroon tayo ng pagbabahagihan ng karanasan, makabuo ng sama-samang pagkaunawa sa ating karanasan, at marahil mabigkas nang malinaw ang pananaw sa kung ano ang nararapat at sa gayon makabuo ng isang pinagsasaluhang misyon. Iyan ang ating gagawin sa susunod na module.

          [Alternatibong Pagpapalit: "Simula sa umpisa hanggang sa puntong ito, tinatalakay ko sa abstraktong paraan ang tradisyunal na pulitika sa istilong Pilipino. At nang muling mapukaw ang ating damdamin tungkol dito, magkararoon tayo ng munting gawain.

           

Pangunahing Gawain 1. Paghahanda para sa bahagihan, gagawin ng bawat isa na nananatiling tahimik. "Balikan ang mga nakalipas na karanasan ng tradisyunal na pulitika sa Pilipinas. Maghandang magbahagi sa isang detalyadong paraan: Saan? Kailan? Sino ang nasasangkot? Ano ang eksaktong nangyari? At iba pang pangyayari na sa palagay mo ay mahalaga. Pagkatapos, maghanda rin upang ibahagi ang iyong sariling reaksyon sa pangyayari: Paano ka naapektuhan? Ano ang iyong ginawa?

"Alalahanin din ang isang nakaraang karanasan kung saan ikaw mismo ang nakilahok sa tradisyunal na pulitika sa Pilipinas--maging sa inyong maliit na grupo, sa inyong maliit na komunidad, sa inyong kapitbahayan, (hindi kinakailangang kaugnay ng halalan). Maghandang magbahagi sa isang detalyadong paraan: Saan? Kailan? Sino ang nasasangkot? Ano mismo ang nangyari? Pagkatapos, maghanda rin upang ibahagi ang iyong sariling reaksyon, subalit sa pagkakataong ito idagdag kung ano sa iyong palagay ang higit na makabubuting ginawa mo sana.

          [Alternatibo: Maaari mong ilahad sa malaki/buong grupo ang pangkalahatang larawan.

          Q1. Nakaraang karanasan sa panghalalang tradisyunal na politika kung saan ikaw ay naging saksi, manonood, biktima

          Q2. Nakaraang karanasan ng iyong pag-kilos/pagganap na naaayon sa tradisyunal na pulitika--kung saan nakilahok ka sa inilarawang tradisyunal na pulitika

          Q3. Hindi pa katagalang karanasan ng pakikilahok sa pulitika kung saan ikaw ay naging isang saksi, manonood, isang kalahok sa maaari mong tawaging alternatibong pulitika, o pulitika ayon sa nais mo

          Q4. Hindi katagalang karanasan ng pakikilahok sa alternatibong pulitika.

          Ito marahil ang pinakamabuting paraan kung mga pangkat na higit na mulat o nagtataya ang hinaharap.]

2. Pagbubuo ng triad (tatlong tao sa isang grupo) para sa pagbabahaginan.

3. Pagbabahaginan ng maliliit na grupo sa loob ng 20 minuto.

[Maaari mong ipaalam sa malaking grupo na patutunugin mo ang bell.]

4. Madaliang Alingawngaw para sa Pangunahing Grupo. Naaayon sa laki/bilang ng malaking grupo, humingi ng pagbabahagi ng higit na makabuluhang mga karanasan.

5. Pagpoproseso. [Ito'y naaayon sa Trainor. Maraming paraan kung paano ito gagawin. Ito ang ilan:

              -- sa pamamagitan ng pagsisimula sa paglilinaw/higit na pagpapaliwanag mula sa mga kalahok

              -- sa pamamagitan ng pagpili ng higit na pangkaraniwa't makabuluhang karanasan

              -- sa pamamagitan ng pagpapatibay/pagpapatingkad sa ibinahaging higit na dramatikong karanasan

              o pagbibigay puna sa ibinahaging di-pangkaraniwang karanasan

              -- sa pamamagitan ng pagpapangkat ng ilang magkakahawig na ibinahagi

              -- sa pamamagitan ng pagpapalitaw ng tagong

              katanungan o pagpapalagay na nabuo sa mga tao

Paglipat sa Nilalaman at Talakayan: "Marahil maaari nating buuin ang ating mga puna at pagkaunawa sa ganitong paraan." Simulan ang susunod na bahagi.

 

Nilalaman

At

Talakayan

 

 

Ipaliwanag/Iparating "Ang Dalawang Mukha ng Pulitika sa Pilipinas." Pagkatapos, habang lumalalim ang pananahimik ng mga tao, himukin na magbahagi ang mga kalahok ng kanilang mga iniisip o magbigay ng puna. O kaya magbahagi ng marami pang ibang karanasan ukol sa kanilang pagtatangkang labanan ang Tradisyunal na Pulitika o pagkilos tungo sa Alternatibong Pulitika.

 

Tumuon

sa mga

Kongkretong

Tugon

 

 

 

Bago magtapos, kailangang bumalik ang Trainor sa isang bahagi tungkol sa kung ano ang maaari nating gawin sa antas na personal, ng maliit na komunidad, ng pamunuan. Para sa ganitong mithiin, makabubuting anyayahang gumawa ng pangkalahatang paglilista ng mga kongkretong hakbang o mungkahi tungkol sa paglaban /pagpapahina sa tradisyunal na pulitika o pagtataguyod ng altenatibong pulitika bago ang huling hakbang.

 

 

 

              [Alternatibo: Madaliang Pagbabahagihan ng kung ano ang kongkretong gagawin ng kalahok. Halimbawa: "Maglalaan ako ng panahon para pag-aralan ang palagay ng bawat kandidato tungkol sa globalisasyon." O "Napag-iisipan kong kusang-loob na maging pollwatcher para sa PPC-RV." O "Hihikayatin ko ang aking kinabibilangang organisasyon na bumuo ng citizen's assemblies upang tanungin/siyasatin ang mga kandidato tungkol sa kanilang programang panggobyerno.]

 

 

Pagtatapos

 

 

Iugnay ang tungkuling maghatid ng pagbabago sa ating kulturang pampulitika sa ibang tuyong pailog sa mga kasalukuyang pangyayari sa Pilipinas:

Ang PCP II at ang tungkulin ng buhay na ebanghelisasyon, ang Sentinaryo, ang hamon ng Ikatlong Milenyo.

Idagdag ang ilang napapahahong positibong pagbabago.

fish.jpg (94926 bytes)

ANG DALAWANG MUKHA NG PULITIKA
TRADISYUNAL AT ALTERNATIBONG PULITIKA

 

1. Konteksto

  • Kinakailangan nating maunawaan ang halaga ng pagtangkilik sa alternatibong pulitika sa pamamagitan ng paghahambing nito sa tradisyunal na pulitika. Nararapat ding maging mulat sa mga gawaing pangkultura na nagpapanatili/nagtataguyod ng mga uri ng pulitika, at kung papaano nito ginagawang higit na mahirap/madaling makamit ang pagbabagong panlipunan.
  • Dinadala ng pag-uunawa sa alternatibong pulitika ang isang pagkaunawa sa pangkalahatang kalagayan ng botanteng Pilipino.
  • Hindi nalalaman ng karamihan ng mga botante kung papaano sila nabibiktima ng maraming uri ng maka-eletistang pulitika: nepotismo, pagbibigay pansin sa mga pangangailangan ng mahihirap kung panahon ng halalan lamang, sistematikong panunuba at pandaraya at pagkapanalo ng mga pulitko sa halalan sa pamamagitan ng "kahit anong paraan".
  • Madali para sa mga tradisyunal na pulitikong hikayatin ang ating mga botante na itulak ang kanilang personal na interes at mga ambisyong pampulitika.

 

2. Saligang kahulugan ng mga termino:

  • Maaaring makita ang pulitika sa aspetong personal:
  • Ang katauhan ng mga pulitiko, tulad ng mga Senador, Alkalde, Gubernador, atbp.; ang mga botante, ang goons ng mga naturang pulitiko, ang saklaw ng kanyang impluwensiya.
  • Sa nibel nito, ito ang mga makabuluhang tanong (na maaaring makapagbigay sa atin ng ideya kung anong uri ng pulitika ang ating isinasagawa): Sino ang humahawak ng kapangyarihan at impluwensiya? Sino ang nagpapatakbo ng sistemang pulitikal? Sino ang mga nasasangkot sa buhay-pulitika ng bansa?
  • Maaari ring makita ang pulitika sa aspetong pang-ugnayan:
  • Tinutukoy nito ang mga sistema't balangkas na pampulitika tulad ng sistema "padrino", "palakasan", pluralismo, pagbibigay-kapangyarihan sa tao.
  • Sa nibel nito, ito ang mga makabuluhang tanong: Anong uring sistemang pulitika ang namamayani sa buhay-pulitika ng mga tao? Papaano nakikipag-ugnay ang mga pulitiko sa mga karaniwang tao? Mayroon bang pagkakapantay-pantay na umiiral?
  • Mayroon ding aspetong pangkultura ang pulitika:
  • Kapag naging kaugalian ang mga karaniwang pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isa't isa at kapag umugat ito sa kanilang paraan ng pamumuhay, maaaring sabihin na nagiging kultura ang nasabing ugnayan. Ang mga halimbawa nito ay ang personalismo, "utang na loob", "bayanihan", atbp.
  • Maaaring sabihin, bilang halimbawa, na namayani na sa ating pampulitikang kultura ang "guns, goons and gold" (sapagkat malimit na ginagamit ang mga paraang ito upang makakuha ng mga boto sa panahon ng halalan).

 

3. Tradisyunal laban sa Altenatibong Pulitika

  • Sa aspetong personal nito:

TRADISYUNAL NA PULITIKA

  • Mula sa pananaw ng tradisyunal na pulitika, ang mga pulitiko't partidong pampulitika lamang ang mga nasasangkot sa buhay-pulitika. Sila lamang ang humahawak ng kapangyarihan at sila rin ang maaaring magbahagi nito kung kanino man nila naisin.
  • Sa ganitong pananaw, mayroong masasabi ang mga tao ukol sa pulitika sa panahon ng halalan lamang. Binibigyan sila ng pansin ng mga pulitiko lalung-lalo na sa panahon ng mga kampanya, at kapag natapos na ang halalan nanunumbalik sila sa kanilang nakaugaliang pamumuhay habang naiiwan ang mga pulitiko sa kanilang mga labanan para sa kapangyarihan.

 

ALTERNATIBONG PULITIKA

  • Mula sa pananaw ng alternatibong pulitika, ang mga pampulitikang partido kasama ng mga samahang pantao at mga saligang bahagi ng lipunan ang mga punong-tagapagpakilos ng buhay-pulitika. Pinagbabahaginan ng mga tao at mga pampulitikang pinuno na kanilang hinalal ang gawain ng pamahalaan.
  • Sapagkat nagbabahaginan ang mga tao sa gawain ng pamahalaan, lagi silang handa sa pagbabantay sa mga gawain ng kanilang mga pinuno, at tinitiyak nila na pinahahalagahan ang mga pangangailangan ng mahihirap at nakakarami ng mga batas at mga pamamalakad.

 

  • Sa kanyang aspetong pang-ugnayan:

TRADISYUNAL NA PULITIKA

  • Sa tradisyunal na pulitika, lumalakas ang kapangyarihan dahil sa sistemang dependency, palakasan, elitismo at mga hindi pantay na pakikipag-ugnayan.poverty2.jpg (29616 bytes)
  • Sa sistemang dependency, umaasa ang mga tao sa kanilang "padrino" o "ninong" sa mga panahon ng pangangailangan, at inaasahan naman ng kanilang mga padrino ang kanilang suporta sa kanilang mga gawain at sa panahon ng pangangampanya sa halalan.
  • Humahantong ang kaugaliang nabanggit sa itaas sa palakasan, sapagkat "sumasakay" ang mga tao sa kapangyarihan at paghihikayat ng kanilang mga padrino at kanilang inaasahan din na makatanggap sila ng mga kaparis na pakinabang at kalamangan.
  • Pinalalaganap din ng sistemang dependency ang elitismo, sapagkat pinananatili ang mga tao na umasa sa iilang humahawak ng kapangyarihan.

ALTERNATIBONG PULITIKA

  • Sinusubok ng alternatibong pulitika ang pagbabahagi ng kapangyarihan sa nakararami sa pamamagitan ng pluralismo, pagbibigay-kapangyarihan sa mga tao at pagkakapantay-pantay. Itinuturo nito ang sariling sikap at ang pagtayo sa sariling paa. Sa pamamagitan nito, hindi pinapatagal ang buhay ng palakasan at ng sistemang dependency. Maaaring hawakan ng kahit sino ang kapangyarihan at may pagpapalitan ng mga palagay, ideolohiya at prinsipyo. At sapagkat maaaring hawakan ng kahit sino ang kapangyarihan, mas malaki ang pagkakataon para sa pagkakapantay-pantay.

 

  • Sa kanyang pangkultural na aspeto:

TRADISYUNAL NA PULITIKA

  • May ilang pangkulturang pagpapahalaga tayo bilang sambayanan na maaaring gamitin sa Tradisyonal na Pulitika upang magsilbi sa kapakanan ng iilan. Ito ang ilang pagpapahalaga:
    • Utang na Loob

Sa sistemang padrino, tinutulungan ng pulitiko ang mga tao sa mga panahon ng pangangailangan upang maramdaman nila ang kanilang mga pagkakautang sa kaniya at maaaring hilingin ng padrino bilang kapalit ang kanilang pagtangkilik sa kanyang mapansariling inaasam, lalung-lalo na sa panahon ng halalan.

    • Hiya

Makakaramdam ng hiya ang isang taong nagkakautang sa padrino na tanggihan ang kahilingan ng kanyang "ninong". Dito, ginagamit ng pulitiko ang halaga ng hiya ng Pilipino upang ibagay sa kanyang sariling inaasam.

    • Personalismo

Tinutukoy nito ang pagbibigay ng labis na diin sa kung sino ang humahawak ng aling posisyon sa halip na sa pananagutan at responsibilidad ng posisyon na nabanggit. Bilang halimbawa, sumasapi ang mga pampulitikang partido at nagpapalit ng mga pinuno at partido batay sa kung ano ang matatanggap nila sa larangan ng pulitika sa halip na sa mga prinsipyo, ideolohiya at mga isyu.

Hindi masama o mapanghamak ang nabanggit na mga pangkulturang pagpapahalaga. Ngunit kapag ginamit ang mga ito sa pagwawalang-bahala sa pangangailangan ng nakararami, nagiging mga haligi itong nagtataguyod sa tradisyunal na pulitika.

ALTERNATIBONG PULITIKAelection_violence1.jpg (27607 bytes)

  • Sa kabilang banda, nagpapakita ang alternatibong pulitika ng mga sumusunod na paniniwala at pagpapahalaga:
    • Ang kapangyarihan sa kamay ng lipunang sibil

Salungat sa sistemang padrino, inilalagay ang pagtuon sa pagkakapantay-pantay at pagbabahagi ng kapangyarihan sa ugnayan ng mga tao at ng kanilang mga pinuno. Sa mga pormal at di-pormal na balangkas, binibigyan ang mga tao ng mga pagkakataon at pamamaraan upang magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga pagpapalakad ng pamahalaan. Halimbawa nito ang mga kinatawan ng mga saligang sektor sa loob ng lehislatibong sangay ng pamahalaan, at people's organizations (POs) sa mga komunidad. Tinatawag ang mga balangkas na ito na mga alternatibong sentro ng kapangyarihan.

    • Pananagutan sa mga pinuno ng mga tao

Tinitingnan ng mga pinuno ang kapangyarihan bilang pananagutan at responsibilidad sa mga taong kanilang pinaglilingkuran sa halip na pribilehiyo. Tinitingnan ng mga tao, sa kabilang banda, na hindi pabaya ang kanilang mga pinuno sa kanilang mga gawain at pananagutan. Sa nabanggit na sistema, namamayani ang tungkulin ng pamamahala sa mga taong may pinanghahawakang pananagutan at sa mga taong nakikilahok sa pamamaraan ng pamamahala.

    • Patuloy na pakikilahok ng mga tao sa pamamahala

          Hindi itinatakda ang hangganan ng pakikilahok ng tao sa pulitika sa halalan lamang ngunit lumalawak sa kanilang patuloy na pakikisangkot sa extra-parliamentary at extra-legal na pagsisikap tulad ng lobbying para

          sa pagpasa ng mga batas na makamahirap, pulitikang makamaliit, atbp.

*Ateneo Center for Social Policy. "Two Faces of Politics." 1992.

Sign our Guestbook at About Us!

Main Menu

lens.jpg (15783 bytes)CHAPEL NET
Christian Action for Peaceful and Meaningful Elections
Loyola School of Theology, Ateneo de Manila University, Quezon City
Tel. No. 924-4951 local 3588, Fax No. 924-4442

chapelnet@usa.net

©  Copyright Chapel Net
All Rights Reserved 1998