PATNUBAY SA PAGTATASA NG ISANG KANDIDATO
A. Ang Pagkuha sa Katolikong Boto

flag.gif (18606 bytes)

May apat na kategoriya ang pamantayan
(Mula sa PPCRV flyer)

  1. Pag-uugali (Anong uri ng tao ang kandidato) 40%
  • isang taong-Simbahan, pangunahin sa isipan ang   paninilbihan
  • isang taong alagad ng kapayapaan, katarungan, at pagmamahalan
  • isang taong may integridad at walang inililihim
  • isang taong mahusay magtrabaho
  • isang taong kumikilos

2. Paglilingkod at Plataporma (Ano ang pinaninindigan niya) 20%

  • maka-Konstitusyon
  • maka-Demokrasya
  • makamahihirap
  • makatao
  • pro-life
  • maka-Simbahan

3. Kasaysayan (Ano ang mga nagawa na niya) (20%)

  • ayon sa talaan ng mga desisyong nagawa na niya
  • ayon sa kaniyang buhay bilang patotoo sa kaniyang mga pinaninindigan

4. Diskwalipikasyon (Anong mga bagay na hindi dapat niya taglay) (20%)

  • may katibayan na sangkot sa paggawa ng pangungurakot
  • batid ng lahat ang maluho at magulong pamumuhay, pambababae at kawalan ng delikadesa
  • pagiging gutom sa kapangyarihan na makikita sa pagpapabor sa mga kakilala at kamag-anakan
  • pagiging pala-oo na naninindigan lamang dahil sa pansariling pampulitikal na pakinabang at kaginhawahan
  • may reputasyon sa paggamit ng "guns, goons, and gold" para isulong ang kaniyang pampulitikang ambisyon

 


B. Mga Pamantayan sa Pagpili ng Kandidato
(Guideline: November 20, 1991 and January 16, 1995 Pastoral Letters)

flag.gif (18606 bytes)

Dapat nating iboto ang mga kandidatong PRO-GOD, PRO-LIFE,at PRO-FAMILY.
JANUARY 16, 1997 Pastoral Letter

1. Walang humpay at buong tiyagang isinusulong ang KABUTIHANG PANLAHAT, kailangang malampasan ng isang kandidato ang kaniyang mga pansariling interes.

2. Masigasig na tagapagtanggol at tagapagtaguyod ng KATARUNGAN.

Kailangang handa ang kandidato na mag-alay ng sarili sa pagtatanggol ng buhay at ang kabanalan nito sa ano mang kalagayan nito, magmula sa mga hindi pa naisisilang hangang sa matatanda; kailangang pawiin niya ang pinagmumulan ng panlipunang tunggalian. Kailangang isakatuparan ang panlipunang katarungan at pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbigay ng serbisyo sa mga nangangailangan at sapat na pasahod.

3. Puspos sa pagiging MAKA-DIYOS, ang Espiritu ng Paglilingkod.

Kailangang may tibay ng loob ang isang kandidato na repormahin ang pamahalaan--burukrasya, ang militar at polisya, ang hukuman at batasan. Kailangang buhay ang espiritu ng paglilingkod, isang tapat na paglilingkod na walang kapalaluan at pananakop.

4. May pagkiling sa mahihirap

Kailangang MAKABAYAN ang isang kandidato. Sapagkat mahihirap ang karamihan sa mga Pilipino, kailangang bigyan ng karampatang pagpagpahalaga ang mga pangangailangan ng mahihirap, at suportahan ang kanilang pagsisikap na mabuhay at makatayo sa sarili nilang mga paa.

5. Kailangang may KAKAYAHAN.

Dapat na taglay ng isang kandidato ang kinakailangang kakayahan para mabisa niyang magampanan ang trabaho at tungkulin na hinihingi ng batas--sa pangangatawan, sa kalooban, at sa pag-iisip. Masusukat ang kakayahang ito ng isang kandidato sa pagpansin sa pagdudulot niya ng mahahalagang serbisyo sa mga tao na umaabot hanggang sa antas ng mga pinakamahihirap sa lahat ng mahihirap--edukasyon, pabahay, at kalusugan. Huwag tayong palilinlang sa tagumpay ng isang kandidato sa pinagdalubhasaan niyang larangan sapagkat hindi ito nangangahulugan ng kagamayan sa pulitika.

Sign our Guestbook at About Us!

Main Menu

lens.jpg (15783 bytes)CHAPEL NET
Christian Action for Peaceful and Meaningful Elections
Loyola School of Theology, Ateneo de Manila University, Quezon City
Tel. No. 924-4951 local 3588, Fax No. 924-4442

chapelnet@usa.net

©  Copyright Chapel Net
All Rights Reserved 1998