UNANG BAHAGI: Module 1A
Kristiyanong Pananampalataya at Pulitika

(Para sa mga Kristiyanong kalahok at target groups)

 

ORAS NA KAILANGAN

 

MGA LAYUNIN

 

 

 

 

 

MGA GAMIT NA KAILANGAN:

 

 

 

 

 

 

 

 

PAMAMARAAN

PAMBUNGAD

 

 

 

 

 

PAGMAMASID SA MGA PASKIL

 

 

 

 

 

PAGMUMUNI-MUNI AT PAGBABAHAGI-NAN

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PAGPROPROSESO AT PAGLALAGOM

 

TURO (INPUT) AT TALAKAYAN

 

 

 

 

 

 

 

PAGTATAPOS

1oras at 15 minuto

 

Pagkatapos ng sesyong ito, inaasahan sa mga kalahok na:

1. Magkaroon ng mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa utos ng ating Kristiyanong Pananampalataya na kumilos para sa kabutihan ng lahat, lalong-lalo na para sa mahihirap.

2. Maintindihan at mapahalagahan ang pakikilahok ng isang Kristiyano sa pulitika bilang kabahagi ng kanyang pakikisama sa pagtataguyod ng kabutihan para sa lahat.

3. Magkaroon ng kaalaman ng batayan sa mga turo ng Simbahan tungkol sa pampulitikang pakikilahok ng Kristiyano.

1. pisara

2. chalk

3. overhead projector at transparencies

4. mga kagamitan sa pagsulat

5. cassette recorder at mga musikang pangmuni-muni

6. Bibliya (para sa tagapagdaloy)

7. kopya ng awiting "Time to Change"

8. gitara para sa gitarista

 

 

Sisimulan ng tagapagdaloy ang sesyon sa pagtukoy ng signs of the times sa mga kalahok, na may mga partikular na pagpapahalaga tayong pinanghahawakan bilang mga Kristiyano, na nasisira dahil sa mga pangyayari sa ating lipunan ngayon. Bahagyang talakayin ang mga sumusunod:

- Mga problemang umiiral sa ating lipunan

- Lakas na natitipon sa mga kamay ng iilan

- Ang pangangailangan para sa Pagbabago

Ipapaskil sa mga dingding ng silid ang mga mahalagang pangyayari at isyu sa lipunan natin ngayon na kinuha sa mga diyaryo. Aanyayahan ang mga kalahok na masdan o basahin ang mga ito, at bibigyang-pansin ang mga damdaming napupukaw sa kanila habang minamasdan o binabasa ang mga isyu ng lipunan. Habang ginagawa ito, magpapa-tugtog ang tagapagdaloy ng mga awitin o musikang makabayan.

Musikang maaring gamitin: ang mga awitin nina Joey Ayala, Gary

Granada, Inang Laya, atbp.

Sisimulan ng tagapagdaloy ang pagmumuni-muni at pagbabahaginan sa pagpapahinga ng mga kalahok, kasabay ng pagtugtog ng marahang musika. Pagkatapos, babasahin niya ang Ebanghelyo ayon kay Markos 16:9-16. Saka niya aanyayahan ang mga kalahok na pagmuni-munihan at ibahagi ang kanilang mga tugon sa mga sumusunod:

Ano ang mga damdaming napupukaw sa atin kapag pinagmumuni-munihan natin ang mga nangyayari sa atin ngayon bilang isang bansa?

Ano ang mensahe sa atin ng ating Panginoong Muling Nabuhay bilang isang bansa? Ano ba ang kahulugan ng Kanyang "Mabuting Balita" sa mahihirap, sa mga walang-lakas, sa mga inaapi? (ano ba ang "Mabuting Balita" para sa magsasaka, sa maralitang taga-lunsod, sa manggagawa, sa batang-lansangan, sa mangingisda, atbp.?)

Ano ang ating pangarap para sa ating bansa? Paano ba maipapakita sa pangarap na ito ang Mabuting Balita ng ating Panginoong Muling Nabuhay?

Para sa pagbabahaginan, pagpapangkat-pangkatin ang mga kalahok, at magtatakda ng isang lider sa bawat pangkat na lalagom at mag-uulat ng mga natutunan at muni-muni ng bawat grupo sa pagpupulong ng lahat.

Tutuloy ang tagapagdaloy sa paglalagom ng mga natutunan at mga muni-muni na ibinahagi ng iba’t ibang grupo, at ipapakita ang pangangailangan para sa pananampalatayang gumagawa ng katarungan.

Ibibigay ng tagapagdaloy ang turo (input) tungkol sa Kristiyanong Pananampalataya at Pulitika na may bahagyang pagpansin sa sumusunod na mga pangunahing punto, at susundan ito ng pagtalakay sa Kabuluhan ng Halalang 1998 at ang Kristiyanong Tugon:

- Ang Bayan ng Diyos bilang Simbahan/Katawan ni Kristo

- Ito ang Simbahan ng Mahihirap at para sa Mahihirap

- Ang Simbahan at ang Gobyerno na Naglilingkod sa parehong Tao

- Ang Pananagutan ng Simbahan sa Kabutihan ng Lahat

- Ang Pakikisangkot bilang di-maihihiwalay na bahagi ng ating

Pananampalataya

Tatapusin ng tagapagdaloy ang sesyon sa awiting: "Time to Change"

 

IKALAWANG BAHAGI: Module 1B
ANG DIGNIDAD NG TAO

(Para sa mga hindi Kristiyanong kalahok at target groups)

1

ORAS NA KAILANGAN

MGA LAYUNIN

 

 

 

 

MGA GAMIT NA KAILANGAN:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PAMAMARAAN

PAMBUNGAD

 

 

 

 

 

PAGMAMASID SA MGA PASKIL

 

 

 

 

 

PAGMUMUNI-MUNI AT PAGBABAHAGI-NAN

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PAGPOPROSESO AT PAGLALAGOM

 

 

TURO (INPUT) AT TALAKAYAN

 

 

 

 

 

 

 

PAGTATAPOS

1oras at 15 minuto

 

Pagkatapos ng sesyong ito, inaasahan sa mga kalahok na:

1. Magkaroon ng mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa dignidad ng tao na mayroon sa lahat, Kristiyano man o hindi Kristiyano.

2. Maintindian at mapahalagahan ang pakikisangkot sa pulitika bilang kabahagi sa holistikong pananaw sa tao -- ang kanyang pagkakaugnay sa materyal na mundo at sa lipunan.

1. pisara

2. chalk

3. overhead projector at transparencies

4. mga kagamitan sa pagsulat

5. mga diyaryo

6. masking tape

7. cassette recorder at mga musikang pangmuni-muni

8. gitara para sa gitarista

9. kopya ng awiting "Time to Change"

 

 

Sisimulan ng tagapagdaloy ang sesyon sa pagtukoy ng signs of the times sa mga kalahok, na may mga partikular na pagpapahalaga sa mga struktura at sistema ng lipunang Pilipino na lumalabag sa dignidad ng tao at pumipigil sa pagpapakaganap ng mga kakayahan ng tao. Bahagyang talakayin ang mga sumusunod:

- Mga problemang umiiral sa lipunang Pilipino

- Lakas na natitipon sa mga kamay ng iilan

- Ang pangangailangan para sa Pagbabago

Ipapaskil sa mga dingding ng silid ang mahahalagang isyung panlipunan natin ngayon na kinuha sa mga diyaryo. Aanyayahan ang mga kalahok na masdan o basahin ang mga ito, at bigyan-pansin ang mga damdaming napupukaw sa kanila habang minamasdan o binabasa ang mga isyu. Habang ginagawa ito, magpapatugtog ang tagapagdaloy ng awitin o musikang makabayan.

Musikang maaring gamitin: ang mga awitin nina Joey Ayala,

Gary Granada, Inang Laya, atbp.

Pagkatapos ng pagmamasid sa mga paskil, aanyayahan ang mga kalahok na maghiwa-hiwalay at magpangkat-pangkat upang pagmuni-munihan at ibahagi ang kanilang mga tugon sa mga sumusunod:

Ano ang mga damdaming napupukaw sa atin kapag pinagmumuni-munihan natin ang mga nangyayari sa atin ngayon bilang isang bansa?

Anong nakatatawag-pansing mga isyung panlipunan ang tinutukoy ng mga diyaryo? Pumili ng isang isyu at pagmuni-munihan kung paano ito lumalabag sa dignidad ng tao sa kanyang iba't ibang pakikipag-ugnayan (sa sarili, sa ibang tao, sa lipunan, sa materyal na mundo, at sa isang Dakilang Umiiral).

Ano ang ating pangarap para sa ating bansa? Ano ang nakapailalim na mga pagpapahalaga sa pangarap na ito?

Para sa pagbabahaginan, pagpapangkat-pangkatin ang mga kalahok, at magtakda ng isang lider sa bawat pangkat na lalagom at mag-uulat ng mga natutunan at muni-muni ng bawat grupo sa pagpupulong ng lahat.

Tutuloy ang tagapagdaloy sa paglalagom ng mga natutunan at mga muni-muni na ibinahagi ng iba’t ibang grupo, at ipapakita ang kahalagahan ng isang mas makataong lipunan kung saan ang bawat tao ay binibigyan ng pantay na pagkakataong tumubo nang ganap at maisakatuparan ang kanyang angking kakayahan.

Ibibigay ng tagapagdaloy ang turo (input) tungkol sa Authentic Humanism, na may bahagyang pagpansin sa mga sumusunod ng mga pangunahing punto, at susundan ito ng pagtalakay sa Kabuluhan ng Halalang 1998 at ang Tugong Tao.*

Ang Tao sa kanyang pakikipag-ugnay sa:

- sarili, ibang tao, lipunan, materiyal na mundo, isang Dakilang

Umiiral na maaring Diyos o Allah, o anuman ang tawag natin sa

Kanya.

- isang makatarungang lipunan bilang saligan ng ganap na

pagtubo bilang tao

Tatapusin ng tagapagdaloy ang sesyon sa awiting "Time to Change"

*Sumangguni sa parehong turo (input): Ang Kabuluhan ng Halalang 1998 at ang Kristianong Tugon

 


   

KARAGDAGANG MATERYAL

Maaaring hindi ito isama sa kabuuan ng input, ngunit maaari itong magamit bilang resource material o karagdagang sanggunian para sa trainor.

BAHAGI IA AT IB

I. PAMBUNGAD, BAHAGI IA AT IB

Sa Pambungad, maaaring talakayin ang ilan sa mga sumusunod:

a. Mga suliraning nananaig sa Pilipinas

Nakasulat sa liham ng National Peace Conference para kay Presidente Fidel V. Ramos noong ika-22 ng Abril 1997 na nilagdaan ni Obispo Francisco Claver, SJ:

"Sa kabuuan, Ginoong Presidente, nakakuha tayo ng katamtaman hanggang mahinang marka sa ating mga pangakong repormang panlipunan na ginawa sa gitna ng labis na karangyaan noong nakalipas na taon. Samantala, sumusulong nang mabilis ang agenda ng economic liberalization. Nakapagdala ito ng bahagyang katatagan sa lipunan at kasaganaan sa iilang mapalad … "ang mga panalo". Ngunit lumikha ito ng uring tinawag ng United Nations Human Development Report na "walang-trabaho, walang-awa, walang-tinig, walang-ugat at walang-hinaharap". Ito ang kahulugan ng "mga talunan" na parami nang parami araw-araw.

"Binubuo ng mga talunan ang ating mga pamayanan: maliliit na mangingisdang napatalsik ng korporasyong-pangingisda, mga katutubong tao na nawalan ng sakahan sa mapandambong na pagmimina, mga maralitang tagalunsod na nakikibaka laban sa mga gusali ng pag-unlad, ang humihinang impormal na sektor na may mahalagang papel sa pagpapalutang sa ating ekonomiya, at ang mga babaeng bumubuo sa kalahati ng bawat sektor, na siyang biktima ng lumalalang diskriminasyon at karahasang-sekswal.

"Sumulpot ang mga government organization at people's organization/non-government organization upang tumugon sa pangangailangan ng nakararaming dukha at mahihina ng bansang ito. Sinisiguro ng mga ito ang pagbibigay pansin sa mahahalagang pangangailangan ng "maliliit"; pangangalaga sa resource base ng bansang ito upang matiyak na sapat sa kasalukuyan at sa hinaharap na henerasyon; at pakikilahok sa pamamahala ng ating mga basic sector.

"Ngunit, ano ang talagang nangyayari? Sa land conversion pinapanigan ang mga korporasyong real estate higit pa sa maliliit na magsasaka at may-ari ng lupa. Hindi nabibigyang tunay na alternatibo ang mga maralitang tagalunsod. Mangyari pa, itinutulak sila ng mga demolisyon sa lansangan at pagkagutom. At sa kabila ng lahat ng mga ito, naging bihag ng makasariling interes ng naghaharing Kongreso ang batas na makapagbibigay sa lahat ng tao ng karapatan sa kayamanan ng bayan."

b. Pagtipon ng Kapangyarihan sa Kamay ng Iilan

Sa ating bansa, magkasama ang kayamanang pang-ekonomiya at kayamang pampulitika. Silang mayroon nito ang nagtatakda sa buhay-pulitika, at naiiwan sa labas ng pagpapasya sa mga isyung makaaapekto ng kanilang buhay ang nakararami.

k. Ang Pangangailangan para sa Pagbabago

Sa pahayag ni Juan Pablo II sa Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) noong ika-14 ng Enero 1995, hinimok ng Papa ang mga obispo na "tumulong na lumikha ng bagong ugali, isang bagong pananalig na hinubog ng prinsipiyo ng layuning panlipunan ng kapangyarihan at kayamanan, na maaaring maging daan sa wastong pagbabago sa nangingibabaw na kaayusan".

Nananatiling panawagan at hamon para sa atin ngayon ang panawagan at hamon na ginawa dalawang taon na ang nakalilipas. Hindi lamang para sa pamunuan ng Simbahan ngunit para sa buong Simbahan na rin ang tawag. Sadyang kasama sa pagtratrabaho para sa kabutihan ang pagpapabuti ng ating sistemang-pampulitika. Napapabilis ng pag-uugnayang nakabatay sa pagkakapantay-pantay sa pagitan ng namumuno at kanilang pinamumunuan ang kasaganaang-ekonomiko.

II. INPUT AT TALAKAYAN. BAHAGING IA.

Maaaring dagdagan ng mga sumusunod na puntos para sa talakayan ang pangunahing input ukol sa Kahalagahan ng Halalang 1998 at ang Tugon ng Kristiyano:

1. Bayan ng Diyos bilang Simbahan/Katawan ni Kristo

Isang komunidad ng mga disipulo ang Bayan ng Diyos. Binubuo ito ng mga laiko (mga lalaki at babae) at ng mga kleriko (ang Papa, mga obispo, mga pari at relihiyoso at relihiyosa) na nagbabahaginan ng responsibilidad tungo sa isang lipunang nakatuon sa Diyos at sa kapakanan ng lahat.

2. Ito ay Simbahan ng Maralita at para sa Maralita

Ayon sa Ikalawang Konsilyo Plenaryo ng Pilipinas, bilang Simbahan ng Maralita kaisa ng ating pananampalataya ang ating pakikisangkot sa prosesong-pampulitika. Sa gayon, isang pagkakataon ng pagsasaksi at pagpapaka-kristiyano ang ating pakikisangkot upang gawing higit na makatarungan ang lipunan alang-alang sa ating mahihirap na kapatid.

3. Iisang Tao ang Pinaglilingkuran ng Simbahan at ng Pamahalaan

Sinabi ni Papa Juan Pablo II sa Pilipinas noong ika-12 ng Enero 1995, "nagtratrabaho ang Simbahan at ang pamayanang pampulitika na komunidad sa magkaibang nibel, kapwa silang malaya sa isa’t isa, ngunit parehong mga tao ang kanilang pinaglilingkuran … sa paglilingkod na iyon may sapat na puwang para sa pag-uusap, pakikipagkaisa at pagtutulungan."

4. Ang Pagtataya ng Simbahan para sa Kapakanan ng Lahat

Bilang Simbahan sa Pilipinas, mayroon tayong misyon ng mapanuring pakikipagtulungan sa pamahalaan para makamit ang kabutihang panlahat.

5. Hindi Maaaring Ihiwalay ang Pakikisangkot sa ating Pananampalataya

Pagsasaksi sa ating pananampalataya at minamahalagang pag-asa na parating na ang ipinangakong Kaharian ng Diyos ang bawat buong pusong pakikilahok natin sa pagbabago ng lipunan. Sa ating mga gawa, ipinangangaral natin ang pagdating ng Kaharian ng Diyos sa lupa at pagiging Panginoon ng Diyos ng lahat. Itinuturo ang pangangailangan ng grasya ng Diyos sa lahat ng pagsusumikap ng katauhan. Sa gayon, hinihingi sa atin ng Simbahan na ating isabuhay ang ating pananampalataya hindi lamang sa ating sarili o sa ating mga pamilya, kundi sa pamamagitan din ng masigasig na pakikilahok sa buhay-pulitika.

III. INPUT AT TALAKAYAN. BAHAGING IB.

Awtentikong Humanismo

Lumilitaw at dumarating sa kaganapan ang natura ng tao sa kanyang sari-saring pakikipag-ugnayan: sa sarili, sa iba, sa lipunan, materyal na mundo at sa kanyang Diyos.

a. Humanismo – konsepto/pananaw ng tao na naniniwala sa pagkapangunahin ng tao, tulad ng pagpapakaganap ng pantaong potensyal, pagpapaigi ng pantaong karanasan at pag-aambag sa kaligayahan, katarungang panlipunan, demokrasya, at isang mapayapang mundo.

b. Awtentiko – para sa lahat ng tao, para sa lahat ng aspeto ng buhay ng tao, para sa lahat ng panahon.

1. Ang tao kaugnay sa sarili:

    • may pag-iisip at malayang kalooban – ang kakayahang mangatwiran at malayang makapagpasiya, ang kakayahang mapanghawakan, makilala at mapahalagahan ang katotohanan at kabutihan, at ang kakayahang pumili na magtrabaho para sa katotohanan at kabutihan o ipagwalambahala ito.
    • may dangal – pinagkalooban ang lahat ng dangal, hindi ito maaaring ipamigay o kunin ayon sa kagustuhan ng sarili; hindi ito nawawasak kahit na itinatatwa ito. Dahil sa dangal, isang tunguhin ang tao, hindi isang pamamaraan o kasangkapan. Dapat ganap na igalang ang dangal na ito.
    • nag-uurong-sulong ang tao– sa kaunaunahan mabait ang tao, maaari siyang lumampas sa mga sariling kapakinabangan. Sa kabilang dako naman, maaari rin siyang kumiling sa kasamaan. Samakatwid, kailangang may palagiang pamimili para sa mabuti.

2. Ang tao kaugnay sa iba:

    • isang panlipunang nilalang – nakaharap ang lahat patungo sa ibang tao at nangangailangan ng kasama. Sa paggawa natin para sa ating mga layunin at pangarap para sa lipunan, kailangan natin ang kapwa natin. Natutupad ang mga pangarap sa loob ng komunidad.
    • Pagkakapantay-pantay ng halaga ng mga tao – sa kabila ng pagkakaroon ng likas na di-pagkapantay-pantay ng mga tao (halimbawa, sa talino), parehong dangal ang angkin nating lahat, pantay tayong lahat sa saligang karapatan at pangangailangan.

3. Ang tao kaugnay sa lipunan:

    • isang tagapamagitan – may epekto ang mga tao sa istruktura, may epekto ang istruktura sa mga tao; may kakayahang magbago ang tao at lumikha ng panibagong istruktura, kapag hindi makatarungan ang mga ito.
    • makabayan – bilang tao, ang bayan ang ating higit na malaking pamilya. Pananagutan natin sa mga darating na henerasyon ang kalagayan na kanilang matatamo.

4. Ang tao kaugnay sa materyal na mundo:

    • isang manggagawa – Nakikihalubilo ang tao sa mundo sa pamamagitan ng kanyang trabaho. Sapagkat may dangal ang tao, ganoon din ang kanyang trabaho.
    • isang tagapangalaga – Para sa paggamit ng lahat ng tao ang mga bagay ng mundo. Kailangang gamitin ang mga ito, hindi iipunin o sasambahin.
    • pinapangibabawan ang mga materyal na bagay – higit ang halaga ng tao sa mga materyal na bagay. Kailangang tanggihan niya ang anumang bagay na makahahadlang sa kanya na maging ganap at tunay na tao.

 


Sources:

      Intengan, Romeo, S.J.. "Conjunctural Analysis of the Philippine National Situation". Loyola House of Studies, Quezon City. 4 December 1997.

      Simbahang Lingkod ng Bayan. "Workshop for the 1995 Local Elections: A Manual". Loyola House of Studies, Quezon City. February 1995.

      Social Development Index. "Basic Orientation Seminar". 1987

      Intengan, Romeo J. S.J., Relevance of the 1998 Elections and the Christian Response Thereto, 6 December 1997

      Tabora, Joel E. S.J., Catechism on Elections, 31 December 1997