|
Ang PARTY -LIST SYSTEM, na itinakda ng Konstitusyon at ng batas sa ilalim ng R. A. 7941, na naglalaan para sa eleksiyon ng 50 kasapi ng Kongreso na uupo bilang kinatawan ng sektor. Ang mga botante ay hindi pipili ng mga kandidato kundi isang partidong sektoral. Upang makaupo sa puwesto, ang mga kandidato ay kinakilangang makakuha ng dalawang porsiyento ng kabuuang boto na laan sa party-list system (tinatayang 500,000 na boto). Upang maupo ang tatalong kandidato ng partido, kinakailangang makakuha siya ng 1.5 milyong boto. Narito ang tatlong progresibong partido na maaaring pagpilian: AASAHAN PARTY(Alternative Approaches of Settlers' Advocacy for the Holistic Advancement of the Nation) Isang progresibo at pambansang partidong sektoral na kumakatawan sa hanay ng maralitang tagalungsod. BATAYANG LAYUNIN: 1. Upang mapabilang sa mapayapang paghahanap ng kapangyarihang pulitikal bilang pinaka- epektibong paraan upang makamit ang prinsipyo ng partido. 2. Upang lalong mapabuti ang lahat ng mga programa ng pamahalaan at proyekto at gawin itong mas makatutugon sa mga pangangailangan ng mamamayan. 3. Upang gawing maaayos ang relasyon ng mga pangunahing sektor, sa pangkalahatan, partikular ang maralitang tagalungsod. 4. Upang lumikha ng demokratikong proseso sa paggawa ng desisyon. 5. Upang pangalagaan at palaganapin ang karapatang pantao.
PROGRAMA: 1. Moratoryum sa demolisyon hanggang ang komprehensibo, katanggap-tanggap at maayos na programa sa pabahay ay maisaayos 2. Pagtatatag ng sangay sa pabahay 3. Pampublikong pabahay 4. Ganap na pagpapatupad ng UDHA ( Urban Development and Housing Act of 1992) a. tuluyang pagpapatala ng mga benepisyaryo b. pagkilala at pagkakaroon ng mga lugar para sa panlipunang pabahay k. pagbibigay ng mga lote sa mga maralitang kuwalipikado bilang benepisyaryo d. pangmatagalang lugar-paglilipatan 5. Paghahalal ng kinatawan sa bawat sektor sa lokal na pamahalaan 6. Panlahatang pag-iimpok sa mga maralita 7. Tunay at maliwanag na pagpapatupad ng Community Mortgage Program (CMP) 8. Pagbibigay-kapangyarihan sa mga maralita, sa aspetong pulitikal at ekonomiya 9. Pagkokonsolida ng sektor ng maralita 10. Matatag at malakas na partido ng sektor ng maralitang tagalungsod 11. Mas malapit na pakikisama sa iba pang sektor 12. Gender sensitivity 13. Paglipol sa bawal na gamot 14. Edukasyong abot-kaya, madali at tumutugon sa lahat 15. Burukrasyang hindi nananamantala at tumutugon 16. Pagpasa sa mga batas laban sa kahirapan 17. Pangmatagalang pag-unlad
I
|
News | Opinions | Voter's Education | Election Facts | Interactive | Chapelnet Update | About Us | Photos |
CHAPEL NET
Christian Action for Peaceful
and Meaningful Elections
Loyola School of Theology, Ateneo de Manila
University, Quezon City
Tel. No. 924-4951 local 3588, Fax No. 924-4442
chapelnet@usa.net
© Copyright Chapel Net All Rights Reserved 1998